The Processing of English Expository Texts by Fourth Grade Pupils: Basis for Revitalized Reading Programs Tatlonghari, Melchor A
Material type:
Pamantasang Centro Escolar 1999
Pangunahing layunin ng pag-aaral na mailarawan at maihambing sa paraang kuwaliteytib at kuwantiteytib ang kaasalan at kasanayan sa pagproseso ng mga tekstong naratibo at ekspositori ng 60 mag-aaral (30 lalaki at 30 babae) sa ika-4 na antas sa elementarya ng PNU Laboratory School sa Maynila at Lungsod Cadiz, Negros Occidental gamit ang Reading Miscue Inventory (RMI) mula kay Goodman (1971). Unang tinukoy sa pag-aaral ang edad, kasarian, komunidad-wikang kinabibilangan, abilidad, at tinamong edukasyon ng mga magulang. Sunod na inalam at inihambing ang karaniwang miscue sa loob ng teksto at kalakip nitong pantulong na mga larawan gayundin ang pagkakatulad sa tunog, kawastoang gramatikal at semantiko, pagbabago ng kahulugan, at pattern ng pag-unawa. Natuklasang pareho lamang ang miscues sa bawat asignatura, Ingles man o hindi ang unang wika ng mga mag-aaral. Mababa (poor) ang kalidad ng miscue sa aspekto ng pagkakatulad sa graphics, tunog, gampaning gramatikal, katanggapang gramatikal at semantiko, pagbabago ng kahulugan, at pattern ng pag-unawang naratibo man o ekspositori ang teksto. Ang kakayahang muling maikuwento ang nabasang teksto nang may kawastoang gramatikal at hindi nawawala ang diwa nito ay pareho lamang anuman ang tekstong iharap sa mga mag-aaral. At pareho lamang ang antas ng performance ng lalaki at babae ekspositori man o naratibo ang teksto.
Lingguwistika
There are no comments on this title.