Pagpaplanong Pangwika sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas: Tungo sa Aktibong Pagpaplano ng Wikang Filipino Rio, Ma. Victoria C.
Material type:
Unibersidad ng Pilipinas 2001
Layunin ng saliksik na mag-ambag sa pag-aaral ng wika sa kaso ng Pagpaplanong Pangwika sa Pilipinas, at maging sa lumalagong literatura ukol sa institusyonal na Pagpaplanong Pangwika sa pamamagitan ng pagtampok sa mga naiambag ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) sa pagpapalaganap ng Filipino sa edukasyon. Ginamit sa pag-aaral ang pamamaraang deskriptibo, historikal na sarbey, panayam, obserbasyon, gayundin ng maykro-analisis na kinapapalooban ng pagkonsulta sa ilang papel, tesis, at disertasyon. Nagsilbing saligan din ng pag-aaral ang Maykrong Pagpaplanong Pangwika ni Fishman na sumasaklaw sa institusyonal na Pagpaplanong Pangwika gaya ng sa mga planta o paaralan. Nalaman sa pag-aaral na walang tiyak at malinaw na deklarasyon ng palisi sa wika ang PUP at karaniwang binabalikat ng Kagawaran ng Filipino/Filipinolohiya, mga samahang pangwika, at indibidwal na manunulat na makawika ang mga plano at gawaing may kinalaman sa wikang pambansa. Bunga nito, hindi kataka-takang mabuway, watak-watak, at walang buong programang institusyonal na nagsusulong at nagpapalaganap ng wikang pambansa sa larang ng pagtuturo, pananaliksik, publikasyon, at malikhaing pagsulat. Iminungkahi sa pagtatapos ng saliksik ang pagkakaroon ng sangguniang pangwika sa PUP na direktang nakapailalim sa superbisyon ng Presidente ng unibersidad na siyang mangunguna sa kodipikasyon, elaborasyon, at implementasyon ng wikang Filipino sa buong komunidad ng PUP.
Lingguwistika
There are no comments on this title.