Sawikaan: Mga Salita ng Taon (Isang Pagsusuri sa Sawikaan Bilang Venue Para Talakayin ang Trend o Pinagdaraanan ng mga Salitang Pumapasok sa Wikang Filipino Sang-ayon sa Karanasan ng Lipunang Filipino) Narvaez, Eilene Antoinette G.
Material type:
UP Diliman Kolehiyo ng Arte at Literatura, Lungsod Quezon 2014
Itinampok sa pag-aaral ang pagsusuri sa anim na aklat ng Sawikaan—2004, 2005, 2006, 2007, 2010, 2012, at idinagdag din ang resulta ng Sawikaan 2014. Pinakatampok ang 86 salita na naipon ng Sawikaan sa pagtataguyod ng Filipinas Institute of Translation (FIT). Binubuo ang aklat ng 236 pahina na naglalaman ng detalyadong talakay hinggil sa proseso ng pagpili o nominasyon; saysay o layunin ng mga salitang nagtatampok sa salita ng taon; Sawikaan bilang venue ng talakayang pangwika at bilang panghuli sa namamayaning diskurso ng lipunang Filipino; pananaw ng mga kalahok hinggil sa paglahok at konsiderasyon sa pagpili ng salita ng taon; muling pagsali ng mga dati nang kalahok; impluwensiya sa paglikha ng mga bagong salita sa isang wika; hinggil sa FIT bilang tagapagtaguyod ng Sawikaan at sa naging mga karanasan nito.
Lingguwistika
There are no comments on this title.