Grade Point Average (GPA sa Filipino at Antas ng Pag-Unawa sa Pagbasa ng mga Mag-Aaral Na Nasa Ikasampung Baitang: Isang Korelasyonal Na Pag-Aaral Ebro, Arlene R.
Material type:
Western Mindanao State University, Lungsod Zamboanga 2001
Pangunahing layunin ng pag-aaral ni Ebro na tayahin ng korelasyon ng Grade Point Average (GPA) sa Filipino at ang Antas ng Pag-unawa sa Pagbasa. Isinalang-alang ang mga baryabol na kasarian, edad, 4P’s status at lebel ng mga tanong upang maitatag ang kaugnayan nito sa grade point average sa Filipino at pangkalahatang antas ng pag-unawa sa pagbasa ng mga kalahok. Ang mga kalahok sa pag-aaral ay 120 mag-aaral na pinili ayon sa stratified sampling. Ang resulta ng isinagawang pag-aaral ni Ebro na ang pangkalahatang Grade Point Average (GPA) ng mga mag-aaral na nasa Ikasampung Baitang ay satisfactory o kasiya-siyang marka. Lumabas din na ang pangkalahatang antas ng pag-unawa sa pagbasa ng mga kalahok ay nasa antas na frustration. Batay ito sa pamantayan ng Phil_IRI ni Morris at Gunning (2008). Ito ay nangangahulugang hindi pa lubusang nalinang ang kasanayan sa pagbasa at pag-unawa ng mga mag-aaral sa kabila ng katotohanang sila ay nasa Ikasampung baitang na. Nalaman din sa pag-aaral ni Ebro na ang GPA sa Filipino at antas ng pag-unawa sa pagbasa ng mga kalahok ay walang makabuluhang kaugnayan. Malinaw na mataas man o mababa ang marka sa GPA sa Filipino ng mga kalahok ay wala itong kaugnayan sa kanilang antas ng pag-unawa. Parehong nasa antas ng Frustration ang mga lalaki at babae ayon sa kanilang kasarian. Wala rin itong ipinagkaiba sa edad ng mga kalahok, kung nasa gulang na 14-15, 16-17 at 18 pataas ay pare-parehong nasa antas frustration na pinakamababang antas ng pag-unawa sa pagbasa ayon sa pamantayan ni Morris at Gunning (2008). Sa baryabol na 4P’s status, ang mga kalahok at hindi kabilang sa programang 4P’s ay parehong nasa antas frustration. Sa pagsusuri ng mga iskor sa iba’t ibang lebel ng tanong, lumabas na frustration ayon sa kanilang pag-alala, pag-unawa at pagsusuri. Nangangahulugan na madali man o mahirap ang mga tanong ay nasa pinakamababang antas ng pag-unawa sa pagbasa pa rin nabibilang ang mga kalahok. Parehong resulta rin ang naitala sa ugnayan ng GPA sa Filipino sa kanilang kasarian at 4P’s status, ito ay walang makabuluhang kaugnayan ang mga baryabol na ito.Gayon din sa mean iskor ng mga kalahok sa kasarian, edad at 4P’s status sa kanilang antas ng pag-unawa sa pagbasa. Ang mga inilahad na kinalabasan ng pag-aaral na ito ay nagbibigay-matwid sa empirikal na datos sa teoryang Iskima ni Pearson at Spiro (1982) na patuloy na nadadagdagan, nalilinang, napapaunlad at nababago ang iskimang ito at ginagamit sa pag-uugnay ng anumang bagong karanasan. Sumasang-ayon sa teoryang automaticity ni Presley (2002) na nagsasabing ang mga mag-aaral na may nalinang na bokabularyo ay may mahusay na pag-unawa sa pagbasa. Ang teoryang Cognitive Constructivism ni Piaget (1995) na ang kalaman ay nalilinang sa isipan ng mga mag-aaral habang sila ay natututo. Ito ay mula sa mga impormasyong nakalagak sa kanilang kaisipan. Iminumungkahi sa pag-aaral ni Ebro na ipagpatuloy ang kasalukuyang estratehiyang ginagamit sa pagtuturo ng asignaturang Filipino. Tumuklas at gumamit din ng iba pang angkop na estratehiya sa pagtuturo ng Filipino upang mapaunlad o mapahusay ang kanilang pangkalahatang kasanayan sa asignaturang Filipino. Kailangang sanayin ang mga kalahok sa pagsasalita ng wikang Filipino at magbigay ng mga gawaing pangklasrum upang mapaunlad ang kanilang kasanayan at mas lalong paigtingin ang mga programa sa pagpapaunlad ng pag-unawa at pagbasa. Mahalaga rin ang pagmomonitor ng mga administrador sa mga antas ng pag-unawa sa pagbasa ng mga kalahok upang matulungan ang mga guro sa paglinang ng kasanayang pagbasa ng mga kalahok. Maaaring magsagawa ng mga pagsasanay, seminar at mga palihan na maghahasa sa mga estratehiya ng mga guro sa pagtuturo ng pagbasa. Inirerekomenda na sumubok pa ng ibang estratehiya sa pagtuturo ng pagbasa ang mga guro upang malaman nila kung ano ang mas angkop at mas epektibong estratehiya sa paglinang ng komprehensiyon ng mga mag-aaral. Mabigyan din ng parehong exposure ang lahat ng mga mag-aaral, anuman ang kanilang edad. Maaari ring magkaroon ng peer teaching sa loob ng silid-aralan mula sa mga matatalinong mag-aaral na magtuturo sa mga kaklaseng nakakuha ng frustration na antas ang pag-unawa sa pagbasa. Sa mga guro ay ang paggamit ng iba’t ibang anatas ng pagtatanong na lumilinang sa Higher Order Thinking Skills (HOTS).
Edukasyon
There are no comments on this title.