Relasyon ng Pagtatanghal at Pagkatuto sa mga Eksibisyon ng Amorsolo sa Lopez Memorial Museum, Manila Metropolitan Museum, at GSIS Museo ng Sining Montemayor, Laarni C.
Material type:
Unibersidad ng Pilipinas 2009
Layunin ng saliksik na mailarawan ang educational environment sa Lopez Memorial Museum, Manila Metropolitan Museum, at GSIS Museo ng Sining na mga tagapag-ingat ng mga obra ni Fernando Amorsolo. Ipinakita sa pag-aaral ang kakayahan ng museo na magbigay ng aliw at karanasan sa pagkatuto. Sinuri kung naaangkop ang kaligiran ng mga museo upang makakuha ng mensahe, karunungan, o kaalaman ang mga bumibisita rito. Inilahad din ang mga iskedyul ng eksibisyon, mga tiyak na aktibidad, at programang pang-edukasyon ng nabanggit na mga museo bilang mga impormal na institusyong pampagkatuto. Binigyang-diin sa saliksik na ang pag-iingat sa mga museo ng mga natatanging koleksiyon o obra ay mahalaga sa paghahatid ng impormasyon sa publiko at sa pangangalaga ng mga dakilang yamang-sining.
Araling Kultural
There are no comments on this title.