Ang Dinamiko ng Improbisasyon sa Dulang Pulitikal sa Pilipinas 1970-1992 (Record no. 3313)

MARC details
000 -LEADER
fixed length control field 01994nam a2200181Ia 4500
008 - FIXED-LENGTH DATA ELEMENTS--GENERAL INFORMATION
fixed length control field 221211s9999 xx 000 0 und d
100 ## - MAIN ENTRY--PERSONAL NAME
Personal name Atienza, Glecy C.
245 #0 - TITLE STATEMENT
Title Ang Dinamiko ng Improbisasyon sa Dulang Pulitikal sa Pilipinas 1970-1992
Statement of responsibility, etc. Atienza, Glecy C.
502 ## - DISSERTATION NOTE
Name of granting institution Unibersidad ng Pilipinas
Year degree granted Abril 2001
520 ## - SUMMARY, ETC.
Summary, etc. Layunin ng pag-aaral ni Atienza na mailugar ang dinamiko ng improbisasyon sa dulang politikal mulang 1970-1992. Ipinagpapalagay na nagtatakda ito ng pagbabagong anyo, pagbabagong puwesto, at pag-iral nito sa kasaysayan ng karanasang pandula sa Pilipinas. Ang dinamiko ng improbisasyon ay laging bahagi ng pagsasadula, hayag man o hindi, at mababakas sa teksto, pagsasadula, at proseso ng paglikha ng dula. Patuloy itong humahamon sa kalakaran sa dula at lipunan kaya’t napatitingkad ang politikal na katangian ng improbisasyon ng dula. Tinalakay sa pag-aaral ni Atienza ang tatlong mahahalagang katangian ng improbisasyon—ang lawak ng paglahok, pag-aangkop, at panahon na pawang dinamiko at nagtatakda ng kalagayan sa pag-iral, di pag-iral, o pagbabagong puwesto at anyo ng dula kaugnay ng mga gitgitang pangkapangyarihan sa lipunan. Ginamitan ang saliksik ng participation observation na nakabatay sa tuwirang paglahok ni Atienza sa larangan ng dula mulang 1976 hanggang sa kasalukuyan bilang aktor, direktor, manunulat, kagawad ng produksiyon, mananaliksik, dokumentarista, at organisador. Nangalap din ng mga datos sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga mandudula, pagdalo sa mga palihan at pista ng dula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa. Ginamit ding kasangkapan sa pagsusuri ang mga terminolohiyang pandula upang tukuyin ang aspekto ng produksiyon na nagbibigay pansin sa espasyo, dula, proseso ng paglikha, at ang mga kalahok sa paglikha ng dula.
521 ## - TARGET AUDIENCE NOTE
Target audience note Panitikan
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED
Uncontrolled term dula
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED
Uncontrolled term improbisasyon
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED
Uncontrolled term dinamiko ng improbisasyon
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED
Uncontrolled term dulang politikal
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED
Uncontrolled term Panitikan
942 ## - ADDED ENTRY ELEMENTS (KOHA)
Source of classification or shelving scheme Dewey Decimal Classification
Koha item type Disertasyon
999 ## - SYSTEM CONTROL NUMBERS (KOHA)
-- Disertasyon

No items available.