Mga Estratehiya at Istilong Ginagamit ng mga Mag-aaral sa Pagpapalawak ng Bokabularyo ng Wikang Filipino (Record no. 3058)

MARC details
000 -LEADER
fixed length control field 02463nam a2200157Ia 4500
008 - FIXED-LENGTH DATA ELEMENTS--GENERAL INFORMATION
fixed length control field 221211s9999 xx 000 0 und d
100 ## - MAIN ENTRY--PERSONAL NAME
Personal name Tudtod, Archie R.
245 #0 - TITLE STATEMENT
Title Mga Estratehiya at Istilong Ginagamit ng mga Mag-aaral sa Pagpapalawak ng Bokabularyo ng Wikang Filipino
Statement of responsibility, etc. Tudtod, Archie R.
502 ## - DISSERTATION NOTE
Name of granting institution Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas-Paaralang Gradwado
Year degree granted 2014
520 ## - SUMMARY, ETC.
Summary, etc. Pangunahing layunin na matukoy ang mga estratehiya at estilong ginagamit ng mga mag-aaral sa pagpapalawak ng bokabularyo ng wikang Filipino. Gayundin ang makilatis ang antas ng kabatiran ng mga ito sa paggamit ng iba’t ibang pamamaraan upang mapaunlad ang talasalitaan. Inilarawan ang kasalukuyang kalagayan, pangyayari o mga sistema batay sa impresyon o reaksiyon ng mga respondenteng mag-aaral ng iba’t ibang kolehiyo ng University of Perpetual Help System na nakakuha na ng Filipino 1: Komunikasyon sa Akademikong Filipino/Sining ng Pakikipagtalastasan at kasalukuyang kumukuha ng Filipino 2: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik/Panitikan ng Pilipinas. Mas nakakalalamang ang populasyon ng mga babaeng respondente kaysa sa lalaki. Natuklasan na una, madalas na ginagamit ng mga kalahok ang estratehiyang paggamit ng diksiyonaryo upang mapalawak ang kanilang kaalaman sa talasalitaan;.ikalawa, kasiya-siya sa Pagbuo ng Salita, Paglikha ng Salita, Paggamit ng Kontekstuwal Klu, Paggamit ng Idyomatikong Ekspresyon, at mahina sa Paggamit ng Instrumentong mnemonics ang antas ng kabatiran ng mga mag-aaral; ikatlo, walang polisiya o programang pangwika ang banggit na institusyon lalo’t higit sa pagpapalawig ng Wikang Filipino batay isinasaad ng kanilang bisyon at misyon; ikaapat, sa relasyon naman nito sa kamalayan ng mga mag-aaral sa paggamit ng mga estratehiya at estilo sa pagpapalawak ng bokabularyo, lumalabas na madalas lamang ang kanilang paggamit sa mga ito. Ibig sabihin, hindi gaanong nabibigyan ng pokus sa kurikula ang pagpapaunlad ng bokabularyo kung hindi mas nabibigyang atensiyon ang pagtuturo at pagkilala lamang sa mga ito. Hangarin din ng pag-aaral na makapaghain ng mga rekomendasyon na makakatulong sa mga mag-aaral na mapaunlad ang kanilang kakayahan sa pagpapalawak ng talasalitaan sa pamamagitan ng pagpapakilala ng mga estratehiya upang makapag-ambag sa dating kaalaman at/o pagkatuto.
521 ## - TARGET AUDIENCE NOTE
Target audience note Lingguwistika
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED
Uncontrolled term bokabularyo
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED
Uncontrolled term wikang Filipino
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED
Uncontrolled term Lingguwistika
942 ## - ADDED ENTRY ELEMENTS (KOHA)
Source of classification or shelving scheme Dewey Decimal Classification
Koha item type Tesis
999 ## - SYSTEM CONTROL NUMBERS (KOHA)
-- Tesis

No items available.