Isang Pagsusuri sa Persepsyon sa at Aktwal na Kahusayang Pampagtuturo ng Guro (Record no. 3027)

MARC details
000 -LEADER
fixed length control field 04273nam a2200205Ia 4500
008 - FIXED-LENGTH DATA ELEMENTS--GENERAL INFORMATION
fixed length control field 221211s9999 xx 000 0 und d
100 ## - MAIN ENTRY--PERSONAL NAME
Personal name Gannaban, Maria Fe E.
245 #0 - TITLE STATEMENT
Title Isang Pagsusuri sa Persepsyon sa at Aktwal na Kahusayang Pampagtuturo ng Guro
Statement of responsibility, etc. Gannaban, Maria Fe E.
502 ## - DISSERTATION NOTE
Name of granting institution Master sa Sining ng Edukasyon, Pamantasang Normal ng Pilipinas
Year degree granted 2000
520 ## - SUMMARY, ETC.
Summary, etc. Layunin ng pag-aaral na mataya ang aktuwal na pagtuturo ng guro sa Filipino ayon sa sariling persepsiyon ng guro, ng kanilang mag-aaral, at ng kanilang tagapamahala tungkol sa mga katangian ng isang mahusay na guro sa Filipino. Natuklasan sa pag-aaral ang kasagutan ng mga guro at mag-aaral tungkol sa pagtuturo ng Filipino ay Mahusay samantalang ang sagot ng mga tagapamahala ay Napakahusay. Sa pangkalahatang obserbasyon, naipakita ng mga gurong kalahok ang kanilang kahusayan sa mga saklaw na Kahusayang Pangwika, Kaalaman sa Nilalaman, at Estratehiya sa Pagtuturo. Lumitaw din sa mga obserbasyon lalo na sa mga guro ng publikong paaralan ay napatunayan ang kahusayan sa pagtuturo kaysa sa mga guro ng pribadong paaralan hinggil sa Kahusayang Pangwika, Kahusayan sa Nilalaman, Estratehiya sa Pagtuturo at Kaalaman sa Pagtataya/Pagsusulit.Sa saklaw na Kahusayang Pangwika, Estratehiya sa Pagtuturo at Kaalaman sa Pagtataya/Pagsusulit ay walang makabuluhang pagkakaiba sa persepsiyon ng mga guro at mag-aaral. Lumitaw sa kanilang kasagutan ay Mahusay. Ipinapalagay naman ng mga tagapamahala na ang napili nilang guro sa Filipino ay epektibo sa lahat ng saklaw ngunit ito ay taliwas sa naobserbahan sa aktuwal na pagtuturo ng mga guro sapagkat ang mga saklaw lamang na nagpapakita ng kanilang kahusayan ay ang Kahusayang Pangwika, Kaalaman sa Nilalaman at Estratehiya sa Pagtuturo. Atmula naman sa mga kasagutan ng mga mag-aaral, ang mga Kagamitang Panturo ay hindi nakapag-aambag sa kahusayang pagtuturo ng guro sa Filipino dahil naiintindihan na nila ang pagtuturo ng kanilang guro kahit walang biswal, ngunit sa persepsiyon ng mga guro at tagapamahala ay nakatutulong ang mga kagamitang panturo sa kahusayan sa pagtuturo ng guro sa Filipino. Batay sa mga nailahad na resulta ng pag-aaral ni Gannaban, ang sumusunod na kongklusyon, sa pangkalahatan, walang makabuluhang pagkakaiba ang persepsiyon ng mga guro at mag-aaral hinggil sa mahusay na guro sa Filipino sa mga saklaw na Kahusayang Pangwika, Kaalaman sa Nilalaman, Estratehiya sa Pagtuturo at Kaalaman sa Pagtataya/Pagsusulit. Samantalang may makabuluhang pagkakaiba sa pangkalahatang persepsiyon ng mga tagapamahala. Higit na mahusay ang mga katangiang ipinakita ng mga guro sa kanilang aktuwal na pagtuturo ng Kahusayang Pangwika, Kaalaman sa Nilalaman at Estratehiya sa Pagtuturo. May pagkakahawig ang persepsiyon ng mga guro at mag-aaral sa aktwal na pagtuturo ng guro maliban sa saklaw na Kahusayan sa Pagtataya/Pagsusulit na hindi nakita sa aktuwal na pagtuturo ng guro. Inirekomenda ni Gannaban ang kaniyang pag-aaral sa pagsasagawa ng ganitong pag-aaral, sa larangan ng metodolohiya ay kahalintulad na pag-aaral at ang mananaliksik ay kailangang maging kasangkot sa pagpili ng gurong kalahok. Iminumungkahi rin na gawin ang biglaang obserbasyon. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, mula sa tugon ng mga mag-aaral na ang kahusayan sa paghahanda at paggamit ng kagamitang panturo ay hindi nakatutulong sa kahusayang pampagtuturo ng mga guro sa Filipino. Iminumungkahi din sa na suriing mabuti kung wala talagang kaugnayan ang mga kagamitang panturo sa kahusayang pampagtuturo ng mga guro sa Filipino. Magkaroon din ang mga guro ng sariling repleksiyon sa kanilang pagtuturo at nararapat paunlarin ang kanilang personal at sosyal na katangian. Ang pagdalo sa mga seminar, pagsasanay o kapulungan ay makatutulong sa mga guro upang mapaunlad ang kanilang kaalaman pagtuturo. Dapat ding bigyan ng magaan na tungkulin at gawain ang mga guro sa Filipino upang mabigyan nila ng sapat na panahon ang kanilang pagtuturo.
521 ## - TARGET AUDIENCE NOTE
Target audience note Edukasyon
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED
Uncontrolled term Edukasyon
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED
Uncontrolled term persepsiyon
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED
Uncontrolled term Kahusayang Pangwika
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED
Uncontrolled term Kaalaman sa Nilalaman at Estratehiya sa Pagtuturo
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED
Uncontrolled term pagtatáya
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED
Uncontrolled term asignaturang Filipino
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED
Uncontrolled term kagamitang pampagtuturo
942 ## - ADDED ENTRY ELEMENTS (KOHA)
Source of classification or shelving scheme Dewey Decimal Classification
Koha item type For Identification

No items available.