Antas ng Kakayahan ng mga Guro sa Pagbuo ng mga Tanong na nasa Higher Order Thinking Skils (HOTS) (Record no. 2995)

MARC details
000 -LEADER
fixed length control field 02496nam a2200157Ia 4500
008 - FIXED-LENGTH DATA ELEMENTS--GENERAL INFORMATION
fixed length control field 221211s9999 xx 000 0 und d
100 ## - MAIN ENTRY--PERSONAL NAME
Personal name Salva, Luzviminda P.
245 #0 - TITLE STATEMENT
Title Antas ng Kakayahan ng mga Guro sa Pagbuo ng mga Tanong na nasa Higher Order Thinking Skils (HOTS)
Statement of responsibility, etc. Salva, Luzviminda P.
502 ## - DISSERTATION NOTE
Name of granting institution Western Mindanao State University, Lungsod Zamboanga
Year degree granted 2013
520 ## - SUMMARY, ETC.
Summary, etc. Isa itong kuwantitatibong pananaliksik na may disenyong descriptive-correlational exploratory. Pangunahing layunin nito na tayahin ang antas ng kakayahan ng mga guro sa Filipino sa pagbuo ng mga tanong na nasa Higher Order Thinking Skills (HOTS). Kabilang sa pinag-aralan ang mga baryabol na bilang ng taon sa pagtuturo, ranggo at edukasyong natamo ng mga kalahok upang malaman kung may makabuluhang pagkakaiba at kaugnayan ang nakuhang iskor ng mga kalahok. Ginamit ang total enumeration sampling sa 37 na guro sa Distrito ng West Coast at 27 sa East Coast sa Sangay ng Lungsod Zamboanga. Napatunayan sa resulta ng pag-aaral ni Salva, ginamit ang pamantayan mula sa DepEd Orde Blg. 42 S. 2017, lumabas na ang pangkalahatang antas ng kakayahan ng mga guro sa Filipino sa pagbuo ng mga tanong na nasa HOTS ay nasa prosesong Integrating/Discriminating o napakahusay. Pinangkat ang kanilang iskor batay sa bilang ng taon sa pagtuturo, ranggo at edukasyong natamo. Natukoy na walang makabuluhang pagkakaiba sa iskor batay sa bilang ng taon sa pagtuturo at edukasyong natamo. Nalaman din na walang makabuluhang kaugnayan sa pagbuo ng mga tanong na nasa HOTS habang mayroon namang kaugnayan sa kanilang ranggo. Gayunpaman, ang pagkakaroon ng kaalaman sa paksang tinalakay, motibasyon, pagkakaroon ng sapat na mga pagsasanay at seminar at pagkakaroon ng makabagong pamamaraan ng pagtuturo ay ang apat na dahilang nabanggit ng mga kalahok sa pagkakaroon nila ng napakahusay Integrating/Discrimating o napakahusay na antas ng kakayahan sa pagbuo ng mga tanong na nasa HOTS. Napatunayan sa pag-aaral na ang teoryang Minodipikang Taksonomiya na kinakailangang taglayin ng mga guro ang mataas na antas ng kakayahan sa pagbuo ng mga tanong na nasa HOTS. Iminumungkahing ipagpatuloy ang mentoring programa at patuloy na pagsubaybay sa kakayahan ito ng mga kalahok nang sa gayon ay magkaroon din ang mga mag-aaral ng kakayahang masagot ang mga tanong na nasa HOTS.
521 ## - TARGET AUDIENCE NOTE
Target audience note Edukasyon
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED
Uncontrolled term antas ng kakayahan sa pagtuturo
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED
Uncontrolled term higher order thinking skills
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED
Uncontrolled term Edukasyon
942 ## - ADDED ENTRY ELEMENTS (KOHA)
Source of classification or shelving scheme Dewey Decimal Classification
Koha item type For Identification

No items available.