Teorya, Uri, Pamamaraan at Karanasan sa Pagbasa ng mga Mag-Aaral sa Senior High School sa mga Piling Mag-Aaral sa Ikalawang Distrito (Record no. 2977)
[ view plain ]
000 -LEADER | |
---|---|
fixed length control field | 03428nam a2200217Ia 4500 |
008 - FIXED-LENGTH DATA ELEMENTS--GENERAL INFORMATION | |
fixed length control field | 221211s9999 xx 000 0 und d |
100 ## - MAIN ENTRY--PERSONAL NAME | |
Personal name | Ramos, Jun-Jun R. |
245 #0 - TITLE STATEMENT | |
Title | Teorya, Uri, Pamamaraan at Karanasan sa Pagbasa ng mga Mag-Aaral sa Senior High School sa mga Piling Mag-Aaral sa Ikalawang Distrito |
Statement of responsibility, etc. | Ramos, Jun-Jun R. |
502 ## - DISSERTATION NOTE | |
Name of granting institution | Pamantasang Estado ng Isabela, Echague, Isabela |
Year degree granted | 2018 |
520 ## - SUMMARY, ETC. | |
Summary, etc. | Tungkol itong pag-aral sa karanasan ng mga mag-aaral sa senior high school sa Ikalawang Distrito ng Isabela sa pagtalakay sa teorya, uri, pamamaraan at karanasan sa pagbasa. Ginamit sa saliksik ang deskriptibo at correlational na pamaraan na isinagawa mula Enero hanggang Hulyo 2018. Napatunayang higit na nakararami ang babae, karamihan ay nagbabasa ng libro, diyaryo at magasin at ang wikang ginagamit ay Ilokano. Ginamit ng respondent ang cellphone na kagamitang panteknolohiya. Napatunayan din na ang kadalasang ginamit ng mga respondent ay ang teoryang bottom-up o ibaba-pataas at teoryang metakognitibo sa pagbabasa. Sa mga uri ng pagbasaginamit ng mga mag-aaral ang pamuling-basa. Ang iba pang mga resulta ng pag-aaral ay ang naranasan ng mga respondent sa uri ng pagbasang iskiming, iskaning, metakognitibo, kritikal at komprehensibo. Batay sa paraan ng pagbabasa, pinili ng mga respondent ang tahimik na pagbasa.Sa estratehiya ng pagbabasa, nakatulong ang mga teoryang top-down, bottom-up, iskema, interaktibo, metakognitibo, kritikal at komprehensibong pagbabasa upang mapaunlad ang kasanayan ng mga respondent sa pagbabasa maging ang kanilang kakayahan sa pag-unawa. Napatunayan din sa paraang skaning, skiming, kaswal, kritikal, pamuling-basa, basang-tala at suring-basa ay nakatulong sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pagbasa at pag-unawa. Halos walang kaugnayan ang profile ng mga respondent sa teorya, uri at paraan at estratehiya sa pagbasa. Sa kabila nito, napatunayan pa ring may makabuluhang ugnayan ang uri ng babasahin sa teoryang iskema mula sa kanilang unang wika. Bilang karagdagan, mayroon ding makabuluhang ugnayan ang kasarian sa suring-basa bilang uri ng pagbasa, dahil mayroong mahalagang ugnayan ang unang wika sa pasalitang paraan sa pagbasa. Nagkaroon ng makabuluhan at positibong ugnayan sa uri ng babasahin at kagamitang panteknolohiya sa ilang karanasan sa pagbabasa. Gayondin, mayroon din namang hindi direktang ugnayan ang unang wika, uri ng babasahin at kagamitang panteknolohiya sa karanasan sa pagbasa ng mga respondent ng pag-aaral. Iminumungkahi ni Ramos ang ilang pag-aaral tulad ng mga gurong nagtuturo ng asignaturang Filipino na magkaroon ng iba pang estratehiya sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pagbasa at pag-unawa mga mag-aaral sa senior high schoolupang mapataas ang kanilang mga retensiyon at pag-unawa sa mahahalagang detalye ng teksto. Maaaring gamitin sa akademikong gawain ang mga kagamitang panteknolohiya ng mga mag-aaral sapagkat napatunayang mayroong positibong kaugnayan ang mga ito sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pagbasa at pag-unawa ng mga mag-aaral sa senior high school.At magsagawa pa ng mga pag-aaral ukol sa kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral. |
521 ## - TARGET AUDIENCE NOTE | |
Target audience note | Edukasyon |
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED | |
Uncontrolled term | domeyn ng pagbasa |
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED | |
Uncontrolled term | mag-aaral |
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED | |
Uncontrolled term | pagbasa |
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED | |
Uncontrolled term | teorya ng pagbasa |
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED | |
Uncontrolled term | pamamaraan ng pagbasa |
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED | |
Uncontrolled term | uri ng pagbasa |
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED | |
Uncontrolled term | karanasan ng mga mag-aaral |
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED | |
Uncontrolled term | Edukasyon |
942 ## - ADDED ENTRY ELEMENTS (KOHA) | |
Source of classification or shelving scheme | Dewey Decimal Classification |
Koha item type | Tesis |
999 ## - SYSTEM CONTROL NUMBERS (KOHA) | |
-- | Tesis |
No items available.