Pagdisenyo ng Programang Pagsasanay Pangguro sa Filipino para sa Senior High School sa Pambansang Punong Rehiyon (Record no. 2970)

MARC details
000 -LEADER
fixed length control field 03213nam a2200205Ia 4500
008 - FIXED-LENGTH DATA ELEMENTS--GENERAL INFORMATION
fixed length control field 221211s9999 xx 000 0 und d
100 ## - MAIN ENTRY--PERSONAL NAME
Personal name Gime, Arjohn V.
245 #0 - TITLE STATEMENT
Title Pagdisenyo ng Programang Pagsasanay Pangguro sa Filipino para sa Senior High School sa Pambansang Punong Rehiyon
Statement of responsibility, etc. Gime, Arjohn V.
502 ## - DISSERTATION NOTE
Name of granting institution Pamantasang Normal ng Pilipinas Maynila
Year degree granted Abril 2020
520 ## - SUMMARY, ETC.
Summary, etc. Layunin ng pananaliksik na makabuo ng isang modelong programang pagsasanay para sa mga guro sa Senior High School sa Pambansang Punong Rehiyon. Naging kalahok ang mga dalubguro at superbisor sa Filipino sa iba’t ibang dibisyon, gamit ang purposive sampling na teknik at lumabas sa pag-aaral na ang mga guro ay kailangan ng pagsasanay na lilinang sa kaalaman at kasanayan sa teknolohikal, teknolohikal-pedagohikal, pedagohikal, pedagohikal-nilalaman, nilalaman at diskorsal sa programang K-12. Isang integratibong programang pagsasanay ang nabuo para makatutulong sa paglinang ng mga kaalaman, kasanayan, atityud at kakanyahan ng mga guro Senior High School sa buong Pilipinas. Sinuportahan din ang mga tugon ng mga guro mula sa balidasyon ng mga superbisor sa Filipino para sa pagsasanay sa Filipino sa Senior High School. Mula rin sa naging resulta ng mga pagsusuri ni Gime, nakabuo ng modelo ng programang pagsasanay na mula sa inaasahang bunga ng programa o input ng programa, mga gawain at ang resulta ng programa. Tinalakay ni Gime sa kaniyang pananaliksik na ang kailangan sa paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo ay ang paggamit ng mga bagong software ng kompyuter sa Filipino; teknikal na kasanayan; pagtukoy ng mga educational sites at portal na akma sa Filipino; at mga pangkaligtasang isyu sa pagkuha ng mga online na materyal mula sa internet. Ang pangangailangan sa teknolohikal-pedagohikal sa pagtuturo ay nalilinang nito ang kritikal na kaisipan ng mga mag-aaral. Ang konseptong pagsasanay ay ang pagkakaroon ng sapat na masteri sa asignatura sa itinuturo. Lumabas din sa resulta ng pag-aaral ni Gime na ang pedagohikal-nilalaman sa pagtuturo ng Filipino ay kailangan ng mga guro para sa epektibong dulog sa pagtuturo at aplikasyon sa iba’t ibang bahagi ng kurikulum gayondin ang paglalapat ng angkop na pagtataya (assessment) at fidbak sa Filipino. Sa diskorsal o estratehiyang komunikasyon, nangangailangan ng pagsasanay ang mga guro sa paggamit nang mabisang wika sa mga talakayan sa klase at ang mga estratehiyang pangwika sa pagtuturo ng komunikasyon. Nakatulong sa pag-aaral ni Gime ang positibong pananaw ng mga guro at superbisor sa mga pagsasanay na ibinibigay ng Kagawaran ng Edukasyon dahil nailapat ito sa klasrum kung saan ang mga gurong nagtuturo ay nagmula sa elementarya, junior high school at kolehiyo. Dagdag pa nito ang proseso ng programang pagsasanay sa kanilang pagsasanay at debelopment sa dibisyon, rehiyon at sentral partikular sa isang disiplinang in-service sa publikong paaralan.
521 ## - TARGET AUDIENCE NOTE
Target audience note Edukasyon
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED
Uncontrolled term Edukasyon
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED
Uncontrolled term teknolohikal na pagsasanay
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED
Uncontrolled term pedagohikal na paraan
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED
Uncontrolled term pagsasanay pangguro
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED
Uncontrolled term pagkatuto
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED
Uncontrolled term pagsasanay
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED
Uncontrolled term pangmatagalang pagkatuto
942 ## - ADDED ENTRY ELEMENTS (KOHA)
Source of classification or shelving scheme Dewey Decimal Classification
Koha item type Disertasyon
999 ## - SYSTEM CONTROL NUMBERS (KOHA)
-- Disertasyon

No items available.