Mula sa mga Pakpak ng Entablado: Poetika ng Dulaang Kababaihan

Barrios, Ma. Josephine

Mula sa mga Pakpak ng Entablado: Poetika ng Dulaang Kababaihan Barrios, Ma. Josephine



Sinikap sa pag-aaral ni Barrios na tukuyin kung ano ang sariling poetika ng kababaihang mandudula. Tampok dito ang akda ng mga kababaihang mandudula na unang nalathala sa pagsisimula hanggang sa bago magtapos ang ika-20 siglo. Binigyang representasyon din ang mga dulang nasulat sa iba’t ibang wika. Masusing inunawa ang bawat akda ang paggamit ng talinghaga batay sa katutubong gamit ng salita, mga kaisipang feminista, at dekonstruksiyon bilang pamamaraan ng pagbasa. Sinuri rin ang mga aspekto ng tanghalan gaya ng entablado, tauhan, anyong panteatro, maging ang depinisyon ng lipunan sa kababaihan, kanilang kalagayan at pangarap, at mga relasyon ng kapangyarihan, at mga pagbabalikwas ng kababaihan. Nalaman sa saliksik ni Barrios na ang mga katangian ng dula tulad ng pagiging "bukás" o kawalan ng closure, pagpapahayag ng maraming isyu o pagiging multi-vocal, at ang pagsasanib ng mga anyong pantanghalan o pagpapalit-anyo ay hindi lamang paglikha ng sariling poetika kundi talinghaga rin ng pag-aaklas ng kilusang pangkababaihan.

Panitikan

dula dulaang kababaihan poetika talinghaga ng salita Panitikan