Magdaragat ng Pag-ibig at Iba Pang Tula ng Pagnanasa: Poetika sa Kalipunan ng mga Orihinal na Tulang Erotiko
Aguila, Reuel M.
Magdaragat ng Pag-ibig at Iba Pang Tula ng Pagnanasa: Poetika sa Kalipunan ng mga Orihinal na Tulang Erotiko Aguila, Reuel M.
Layunin ng malikhaing tesis na maitanghal ang mga tula ukol sa pag-ibig at pagnanasa partikular na ang damdaming nakapaloob dito na malaon nang sinikil ng mga institusyong panlipunan nang sa gayon ay maliwanagan ang mamamayang may kakaibang pagtingin sa paksang ito. Ipinakita sa mga unang bahagi ang kaligiran at balangkas ng pag-aaral. Ipinaunawa rin ang dahilan kung bakit malimit nababastusan o nahihiya ang karamihan kapag binabanggit ang mga salitang sex, pagnanasa, erotismo, libog, vagina, penis, at sexual intercourse. Nilinaw ni Aguilla na hindi lang salita ang mga ito kundi repleksiyon ng kaugalian, pagtingin, tákot at kamangmangan hinggil sa malalalim na damdamin ng tao. Bagaman may himig ng kalaswaan o kahalayan ang salitang nabanggit, maaring may higit pa itong ibig ipakahulugan sa kamalayan ng indibidwal o ng mga Filipino.
Panitikan
Panitikan tula ng pagnanasa erotiko tula ng pag-ibig pagkalibog