Ang Talinghaga ng Laberinto Bilang Landas ng Malikhaing Proseso sa Pagtawid sa Pribado sa Ang Nalalabi Rito: Mga Tula

Osorio, Anna Trisha Monica D.

Ang Talinghaga ng Laberinto Bilang Landas ng Malikhaing Proseso sa Pagtawid sa Pribado sa Ang Nalalabi Rito: Mga Tula Osorio, Anna Trisha Monica D.



Itinampok sa pag-aaral ni Osorio ang kakayahan ng tula na bigyang buhay ang pribado sa paraang hindi magagawa ng simpleng pagsasabi lamang. Ipinaliwanag kung paano naisasawika ng tula ang “actual flavors of life” at nagagawa nitong tawirin ang pagitan sa tula gamit ang musika, imahen, kuwento, pasyon, at boses. Ginamit ni Osorio ang konsepto ng pagiging “patay sa mundo” ng manunulat habang may binibigyang-buhay na obra sa papel mula kay Hélène Cixous. Inilarawan ang tula upang umugnay at maiparanas sa iba ang natatanging pagdanas ng pribado na napapaloob sa koleksiyon. Kung pagiging patay kay Cixous, inihahalintulad naman ni Osorio ang pagtula, sa isang pangangailangan sa kakaibang uri ng espasyo. Ang pagkaintriga ng awtor sa idea ng laberinto ay nagmula sa kakaibang estruktura nito, walang rehas at kandado. Inirerekomenda ni Osorio na makapag-ambag sa pangkalahatang usapin ng alyenasyon na hindi lamang umiiral sa larangan ng sosyolohiya at sikolohiya kundi maging sa panitikan. Magsisilbing daan o huwaran ang pag-aaral na maunawaan ang mga puwersang nagdudulot ng alyenasyon at mahawan ang mas tiyak na pamamaraan.sa pag-unawa dito.

Panitikan

Panitikan talinghaga tula musika kuwento pasyon boses imahen