Iraga: Mga Rawitdawit sa Apat na Tingog (Mga Tula sa Apat na Tinig
Cordero, Kristian S.
Iraga: Mga Rawitdawit sa Apat na Tingog (Mga Tula sa Apat na Tinig Cordero, Kristian S.
Ang pag-aaral ni Cordero ay naghain ng mga bagong pag-unawa sa sariling poetika, sa usapin ng wika at pagsasalin, identidad at lokasyon, at kung paanong nagiging kasangkot ang makata upang maghain ng mga posibilidad ng pagbasa at pagturing sa pamamagitan ng pagsusulsi sa iba’t ibang naratibo. Sa kabuoan, ang saliksik ay naghahangad na tukuyin ang mahahalagang impluwensiyang humubog sa sensibilidad ng may-akda. Kinailangan nitong isakdal ang sariling poetika sa pagtatangkang maging masinop, mabusisi sa mga detalye, sa mga pagtatapyas at sa mismong pagtula. Ipinaalala sa saliksik ang kahalagahan ng rebisyon lalo’t hindi maiiwasang yugto sa pagsulat ang pagpapaubaya sa rumaragasang bugso ng damdamin at idea na kung minsan ay nagsisilbing daan upang maging mekanikal ang pagsusulat ng tula—bagay na dapat ingatan ng sinumang makata.
Panitikan
Panitikan poetika pagsasalin makata