Proposed Material for Beginning Reading in Filipino

Cutiongco, Elena C.

Proposed Material for Beginning Reading in Filipino Cutiongco, Elena C.



Layunin ng pag-aaral ni Cutiongco na maipakilala ang mga tunog at letra sa Filipino upang mapaikli ang oras na ginugugol sa pagtuturo ng pagbasa sa wikang ito. Hangad din nitong linangin ang kritikal na pag-unawa sa mga unang yugto pa lamang ng pagbasa. Kinapapalooban ito ng mungkahing 20 aralin hinggil sa alpabeto, pagpapakilala ng gamit ng ng at mga, at mga salitang pampaningin (sight words). Nilakipan ito ng pagsasanay pagkatapos ng bawat tatlong aralin upang mataya ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang kabuoang disenyo ng saliksik ay naglalaman ng (1) aralin sa pakikinig; (2) pagkilala ng tunog o simbolo nito; (3) pagsasama ng mga tunog upang makabuo ng pinakamaliit na yunit ng salita; (4) pagsasalita; at (5) pakikinig sa mga kuwento. Mayroon ding mga karagdagang aralin sa dulong bahagi na magagamit sakaling hindi pa sapat ang mga aktibidad sa pagkatapos ng bawat aralin.

Lingguwistika

Lingguwistika sight words (salitang pampaningin) panimulang pagbasa tunog at letra