Tungo sa Pagbuo ng Palisi at Programa sa Wika para sa University of Asia and the Pacific
Talegon Jr, Vivencio M.
Tungo sa Pagbuo ng Palisi at Programa sa Wika para sa University of Asia and the Pacific Talegon Jr, Vivencio M.
Kritikal na sinuri sa pag-aaral ang sitwasyong pangwika sa pamantasan, partikular ang lawak at istatus ng Filipino, tungo sa posibilidad na pagbubuo ng palising pangwika at pagbalangkas ng mga program at proyekto kaugnay nito salig sa pag-iral ng sosyo-ekonomiko-lingguwistik, lalo na sa bisyon at misyon ng pamantasan batay sa sariling kredo nito. Inilahad ang estruktura ng organisasyon, administrasyon, at mga akademik na yunit ng UA&P kasama ang mga program-kurikulum na nagbigay daan upang matukoy ang persepsiyon at resepsiyon ng ilang pilíng administrador, faculty, estudyante, at staff ukol sa Filipino bilang wikang akademik at wika ng komunikasyon. Natuklasan din sa pag-aaral ang pangunahing suliraning kinakaharap ng mga taga-UA&P partikular na ang mga mag-aaral sa kanilang pagkatuto gamit ang Filipino bilang midyum ng pagtuturo. Ipinakita rin ang mga pangunahing instrumento ng pagkatuto na nakatuon sa wikang gamit sa komunikasyon.
Lingguwistika
Lingguwistika palisi programang pangwika kurikulum komunikasyon