Recruitment Patterns of English-Filipino Codeswitching as Bases for Language Teaching Modifications
Metila, Romylyn A
Recruitment Patterns of English-Filipino Codeswitching as Bases for Language Teaching Modifications Metila, Romylyn A
Naging layunin ng pag-aaral na suriin ang estruktura ng sintaks ng umiiral na pagpapalit-wika (codeswitching) sa mga interaksiyong akademik at di-akademik na magiging saligan o batayan ng mga mungkahi tungo sa mas pinahusay na pagtuturo ng wikang English. Kinapapalooban ito ng nangyayaring codeswitching sa limang asignatura (English, Filipino, Mathematics, Physics, at laboratoryo). Ginamit na pamamaraan ito ng video at audio recording upang maayos na maobserbahan ang mga kalahok gayundin ng sarbey upang makuha ang ibang detalye gaya ng sosyo-ekonomiko, wika, at kaligiran ng codeswitching. Kinapanayam din ang mga guro hinggil sa patakarang pangwika na ipanatutupad ng mga ito sa silid-aralan. Pinatnubayan ang saliksik ng mga teoryang code switching patterns ni Satuito (1974), Bautista (1975), code switching type ni Poplack (1980), at Matrix language-Frame nina Mayers-Scotton (1993). Nalamang palasak ang codeswitching sa mga klase sa Filipino habang madalas itong ginagawa (codeswitching) ng mga mag-aaral sa oras ng klase at tuwing break time. Ginagamit din nila ang itinatagubiling wika ng mga guro sa mga pormal na talakayan. Napatunayan pa na ang codeswitching ay malimit ding ginagamit ng mga guro. Tinukoy din sa dulong bahagi ng pag-aaral na karaniwang dahilan ng codeswitching ay mga aspektong panlipunan, lingguwistiko, personal, at pedagohikal.
Lingguwistika
code switching pagpapalit-wika recruitment patterns itinatagubiling wika Lingguwistika