Antas ng Kasanayan sa Pagbasa sa Unang Baitang ng Sangay Lungsod Iriga: Babasahing Pambata
De Villa, Juliet U.
Antas ng Kasanayan sa Pagbasa sa Unang Baitang ng Sangay Lungsod Iriga: Babasahing Pambata De Villa, Juliet U.
Layunin ng pag-aaral na malaman ang antas ng kasanayan sa pagbasa ng mag-aaral sa unang baitang ng Sangay ng Lungsod Iriga batay sa panimula at pangwakas na pagsusulit sa pagbasa. Tinukoy ang antas ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa unang baitang batay sa resulta ng panimula at pangwakas na pagsusulit ng Phil-IRI taong panuruan 2010-2011 na may kaugnayan sa pagkilala ng mga salita at pag-unawa sa binasa. Makabuo ng mga babasahing pambata upang mapaunlad ang kasanayan ng mag-aaral sa pagbasa. At ang pagtatasa kung curricularly valid ang nabuong babasahin. Ginamitan ito ng deskriptibong dulog sa pananaliksik gaya ng pangangalap ng datos, pakikipanayam, pagmamasid, at pag-aanalisa ng mga nakalap na datos o dokumento. Sa kabuoan, natuklasang may pinakamalaking bahagdan ng pagbawas sa bilang ng mga hindi nakakabasa dahil sa isinakatuparang programa at estratehiya sa pagtuturo tulad ng Every-Child-A-Reader Program (ECARP). Maaaring makabuo ng mga babasahing pambata tulad ng aklat, komiks, at iba pa upang mapaunlad ang kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral at ang nabuong babasahing pambata ay curricularly valid.
Lingguwistika
Lingguwistika pagbasa kasanayan antas babasahing pambata