Programang Mas Alegre na Escuela (MANE): Implikasyon sa Antas na Kasanayan sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Ikatlong Baitang
Moratalla, Vanessa B.
Programang Mas Alegre na Escuela (MANE): Implikasyon sa Antas na Kasanayan sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Ikatlong Baitang Moratalla, Vanessa B.
Pangunahing layunin ng pag-aaral na alamin ang korelasyon ng Programang Mas Alegre na Escuela (Mane): Implikasyon sa Antas na Kasanayan sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Ikatlong Baitang. Ang pag-aaral na ito ay isang kuwantitatibong pananaliksik at ang disenyong ginamit ay Descriptive Correlational Evaluative. Isinaalang-alang rin ni Moratalla ang mga baryabol na kasarian, unang wika at 4P’s status upang maitatag ang kaugnayan nito sa kasanayan sa pasalitang pagbasa ng mga kalahok. Ang instrumentong ginamit ay mga istandardisadong teksto mula sa Philippine Informal Reading Inventory (Phil. IRI) na ginagamit sa mga pampublikong paaralan sa bansa. Natuklasan sa pag-aaral na ang programang Mas Alegre na Escuela (MANE) sa pangkalahatang anatas ng kasanayan sa pasalitang pagbasa ng mga kalahok ay nasa frustration.Ibig sabihin, hindi pa masyadong nalinang ang kasanayan sa pasalitang pagbasa ng mga kalahok sapagkat hindi pa nila nauunawaan ang kanilang binabasa. Pareho ang resulta rin ang naitala sa antas ng pasalitang pagbasa ng mga kalahok ayon sa kanilang kasarian, unang wika at 4P’s status. Nalaman din na ang mga kalahok ay nakagawa ng mga miscues na mispronunciation, substitution, insertion, ommission, reversal, refusal at repetition. Sa mga nabanggit na miscues, lumabas na ang repetition. Sa mga nabanggit na miscues, lumabas na ang repetition ang may pinakamaraming naitalang nagawa ng mga kalahok habang reversal naman ang pinakakaunting naitalang nagawa ng mga kalahok. Batay rin sa mga nakalap na datos, masasabing walang makabuluhang pagkakaiba ang antas sa pasalitang pagbasa ng mga kalahok nang pinangkat ang kanilang iskor batay sa kasarian. Ang mga lalaki at babae ay pareho ang kanilang antas sa pasalitang pagbasa. Natuklasan din ang antas ng implementasyon sa kategoryang Reading Status ng mga mag-aaral sa Ikatlong baitang sa programang MANE ay poor o may napakababang implementasyon. Ang resultang ito ay ibinatay sa pamantayang ginamit ng Sangay ng Lungsod Zamboanga sa pagtataya ng implementasyon ng programang MANE. Napatunayan din na ang implikasyon ay may .001 sa sig. level na nangangahulugang kapag mataas ang antas ng implementasyon ng programang Mas Alegre na Escuela (MANE), mas mataas din ang nagiging antas ng pasalitang pagbasa ng mga mag-aaral. Sa kongklusyon, tiniyak ni Moratalla na ang tagumpay ng isang programa ay malinaw na naisakatuparan mula sa layunin at bawat sakop ng programa. Ang pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon sa isang bata ay isang karapatang nararapat na tuloy-tuloy na ibinibigay sa lahat ng pagkakataon hanggang masiguro ang kanilang pag-unlad at interes.
Edukasyon
Edukasyon programang Mas Alegre na Escuela (MANE) kasanayan sa pagbasa