Mga Salik na Nakaaapekto sa Epektibong Pagtuturo ng mga Guro sa Filipino Sa Antas Tersiyarya
Abagon, Baby S.
Mga Salik na Nakaaapekto sa Epektibong Pagtuturo ng mga Guro sa Filipino Sa Antas Tersiyarya Abagon, Baby S.
Layunin ng pag-aaral na matukoy ang mga salik na nakaapekto sa epektibong pagtuturo ng mga guro sa Filipino sa antas tersiyarya ng Ramon Magsaysay Technological University. May kabuuang labingsiyam (19) na mga gurong respondente ng Ramon Magsaysay Technological University, Taong Panuruan 2011-2012 ang ginamit sa pag-aaral na ito. Tinugunan sa pag-aaral ang mga suliranin tulad ng mga salik na nakaaapekto sa epektibong pagtuturo ng mga guro sa Filipino ayon sa sikolohikal na tumutukoy sa pangyayaring may kaugnayan sa damdamin sa pagtuturo; sosyolohikal sa pakikipagkapuwa, kagamitan at. o estratehiyang pampagtuturo. Napatunayan sa pag-aaral na naipakita ang mga kakayahan at kasanayan sa pagtuturo ng mga guro at ang nakaharap na suliranin sa pagtuturo ng asignaturang Filipino ayon sa mga salik na nakaaapekto sa epektibong pagtuturo ng mga guro sa antas tersiyarya.
Edukasyon
Edukasyon salik na nakaaapekto sa epektibong pagtuturo ng mga guro sa Filipino