Ang Development ng Filipino sa Pamahalaan at Edukasyon: Isang Pagsusuring Pandokumento tungo sa pagbuo ng isang modelong patakarang pangwika sa Pilipinas.
Boras-Vega, Sheilee
Ang Development ng Filipino sa Pamahalaan at Edukasyon: Isang Pagsusuring Pandokumento tungo sa pagbuo ng isang modelong patakarang pangwika sa Pilipinas. Boras-Vega, Sheilee
Sinuri sa pag-aaral ang development ng Filipino sa pamahalaan at edukasyon tungo sa pagbuo ng isang modelong patakarang pangwika. Nirepaso ang mga batas, kautusan, memorandum, mga pananaliksik at pag-aaral pangwika sa bansa at iba pang dokumento mula 1935 hanggang 2005. Naisagawa ang mga hakbang sa isang pagsusuring pandokumento at kritikal na pagsusuri sa nilalaman, una ang pagsasakodigo at ang pangalawa ay kuwalitatibong pagsusuri sa nilalaman ayon sa binuong mga patnubay na mga tanong. Nabuo ang isang modelong patakarang pangwika na angkop sa isang multilingguwal na bansa tulad ng Pilipinas. Simula preparatory school hanggang Baitang 3 ang bernakular ay magiging midyum ng pagtuturo sa lahat ng asignatura. Ang Filipino ay ituturo bilang asignatura sa mga baitang mula Baitang I hanggang sa ikalawang taon sa kolehiyo. Sa Baitang 4 ang Filipino ang magiging pangunahing midyum ng pagtuturo at ang bernakular bilang pantulong na wika sa mga baitang na ito hanggang sa pinakamataaas na antas ng pag-aaral, maliban sa Agham, Matematika at Ingles. Simula Baitang 4 hanggang sa pinakamataas na antas ng pag-aaral, ang Agham at Matematika, hangga’t maaari ay ituro sa wikang Filipino sa pasubaling mayroon nang sapat na kahandaan at kagamitan na maituro ang mga asignaturang ito sa wikang Filipino at ang bernakular bilang pantulong na wika. Samakatuwid, ang mga asignaturang agham at matematika ay hindi ekslusibong ituturo sa wikang Ingles. At sa mga paaralang mayroong preparatory school, ang Ingles ay ituturo bilang asignatura mula sa Baitang I hanggang sa ikalawang taon sa kolehiyo. Sa mga paaralang walang preparatory school, ang Ingles ay sisimulang ituro sa Baitang 3 hanggang sa ikalawang taon sa kolehiyo. Sa larangan ng pamahalaan, sa kabila ng kampanya ng iba’t ibang samahang pangwika at ng Komisyon sa Wikang Filipino sa paggamit ng Filipino sa opisyal na komunikasyon at korespondensiya, Ingles ang nananatiling wika ng pasulat na komunikasyon. Malinaw na pagpapasiyang politikal ang nagiging hadlang sa paggamit ng wikang Filipino. Kung magkakaroon ng katatagang pulitikal ang pamahalaan na gamitin ang wikang Filipino sa mga opisyal na komunikasyon at korespondensiya bilang pambansang lingua franca ng Pilipinas ay higit magkakaroon ng pagkakaunawaan at partisipasyon sa mga gawaing panlipunan. Sa edukasyon, ang isang linguistically diverse na bansa tulad ng Pilipinas higit na epektibong midyum ng pagkatuto ang unang wika sa edukasyong primarya. Batay ito sa resulta ng mga pag-aaral at pananaliksik sa loob at labas ng bansa. Higit ding mabilis ang paglipat ng kaalaman sa wikang Filipino bilang pangalawang wika ng mga batang Pilipino sa mga di-Tagalog na lugar dahil sa istruktural at lingguwistikong pagkakahawig ng mga wika sa Pilipinas. Ang wikang Ingles o anumang wikang dayuhan ay mabilis na matututuhan kapag nagkaroon ng sapat na kognitibong kasanayan at kakayahan na natututunan lamang sa pamamagitan ng unang wika ng bata. Sa madaling salita, multilingguwal na patakaran sa wika ang pinakaepektibong dapat ipatupad sa isang multilingguwal na bansa tulad ng Pilipinas. Mahalagang isaalang-alang ng pamahalaan at edukasyon ang pagiging multilingguwal ng mga Pilipino. Ang mga mithiing ito ay hindi nagkakasalungat. Ang pagpapahalaga sa katutubo at unang wika ng mamamayan ay mahalaga sa pagtatamo at pagkatuto ng pangalawang wika at/o wika ng mas malawak na komunikasyon. Para sa isang multilinggwal na pamayanan, angkop ang isang multilingguwal na patakaran sa wika.
Edukasyon
Edukasyon patakaran patakarang pangwika Filipino Ingles pamahalaan edukasyon