The Published Visayan Courtship and Wedding Dances: A Contribution to the Cultural Identity
Gabuya, Mario R.
The Published Visayan Courtship and Wedding Dances: A Contribution to the Cultural Identity Gabuya, Mario R.
Tinukoy sa saliksik ang pangunahing katangian ng mga taga-Visayas sa pamamagitan ng pagsusuri sa kanilang tradisyong may kinalaman sa sayaw ukol sa panliligaw at mga itinatanghal sa mga kasalan. Tinalakay ang kaligirang kasaysayan, kasuotan, musika, at mga katangian ng sayaw upang maipakita ang kultura at kaugalian na maituturing na pagkakakilanlan ng mga taga-Visayas. Pinagkunan ng datos sa saliksik ni Gabuya ang dalawang libro ni Francisca Reyes-Tolentino at Libertad Fajardo gayundin ang pakikipanayam sa mga lokal na mamamayan ng Iloilo, Bohol, Leyte, Antique, Negros Occidental, Capiz, at Cebu. May siyam (9) sayaw ukol sa pagliligawan at pitong (7) sayaw hinggil sa kasalan ang nakalap at sinuri ni Gabuya. Natuklasan sa saliksik na ang karaniwang kasuotan ng mga mananayaw na babae ay patadyong, kamisa o kimono, panyo na nakatali sa leeg, at karaniwang nakasuot ng tsinelas. Karaniwan naman sa kalalakihan ang barong Tagalog, puting kamiseta, panyo na nakatali sa leeg, at karaniwang nakasuot ng tsinelas. Nabatid din na pangunahing tema ng kanilang mga sayaw ang panunuyo, pang-aakit, pagpapahiwatig ng pag-ibig, at pagsusumikap. Inirekomendang mainam na maisama sa pagtuturo ng mga katutubong sa sayaw sa Araling Panlipunan, musika, sining, at mga kaugnay na asignatura tungo sa preserbasyon at pagpapalaganap ng mga pamanang pangkultura.
Araling Kultural
Araling Kultural sayaw sa panliligaw sayaw sa kasalan sa Visayas kasuotan