An Analysis of the Lyrical Themes, Value Concepts and Moral Lessons in the Waray-Waray Folk Songs of Northern Leyte as Basis for a Resource Material in Music

Gozo, Reginaldo T.

An Analysis of the Lyrical Themes, Value Concepts and Moral Lessons in the Waray-Waray Folk Songs of Northern Leyte as Basis for a Resource Material in Music Gozo, Reginaldo T.



Paksa at layunin ng saliksik na mailarawan mapanatili, at mapayaman ang musika sa Hilagang Leyte bilang salukan ng yamang pangkultura. Partikular na sinuri ang mga gawain na may kaugnayan sa kaalamang kultural sa nakalap na 18 katutubong awitin. Inilahad ding ang mga paraan kaugnay ng preserbasyon ng mga ito tulad ng patuloy na pagdaraos ng mga timpalak sa komposisyon at pagtatanghal sa mga pista o kahalintulad na pangkulturang okasyon. Gumamit ng disenyong kuwaliteytib na nakatuon sa pagsusuri ng nilalaman na nakatuon sa mga konseptong pangkaasalan at karaniwang nagbigay ng mga aral. Nairekord, ginawan ng transkripsiyon, nalapatan ng musika, nakilala ang kompositor at mang-aawit, at pagkaraan ay nasuri ang nilalaman ng nakalap na 18 awitin mula sa iba’t ibang komunidad. Natukoy na may mga pagpapahalaga at aral gaya ng papuri o pagsamba sa dakilang lumikha, pagmamahal sa magulang, kapitbahay, gayundin sa mga hayop, at halaman. Inirekomenda sa pag-aaral ang patuloy na paggamit ng katutubong awitin sa sistema ng edukasyon gayundin ang pagtangkilik sa pamamagitan ng choir, music festival, rondalla, atbp.

Araling Kultural

Araling Kultural katutubong-awit Waray pagpapahalaga values moral lesson