Yakans’ Traditional Dances in the LAMI-LAMIHAN Festival: A Dance Documentation

Sumayang, Pureza L.

Yakans’ Traditional Dances in the LAMI-LAMIHAN Festival: A Dance Documentation Sumayang, Pureza L.



Inilarawan at sinuri sa pag-aaral ang tradisyonal na sayáw ng mga Yakan na itinatanghal sa LAMI-LAMIHAN Festival. Ito ang katutubong sayaw ng mga Yakan sa pamamagitan ng balangkas ng galaw, kasuotan, at saliw ng musika. Tinukoy rin ang iba’t ibang katangian at implikasyong kultural ng naturang mga sayáw. Isinagawa ang pag-aaral sa Lamitan, Basilan at nagsilbing informants ang direktor at mga miyembro ng LAMI-LAMIHAN Festival na pawang mga Yakan. Natuklasan sa pag-aaral ang limang (5) pangunahing sayaw na itinatanghal sa LAMI-LAMIHAN Festival gaya ng (1) Tumahik (isang sayaw pandigma na sinasayaw ng mga lalaking nakasuot ng badju ninaruk na pang-itaas at sawwal peyat bilang pang-ibaba habang napapalamutian ng kris, lutuan, kandit, at pis. Ginagamitan ito ng sibát kasama ang panangga at sinasaliwan ng musikang magtambol.); (2) Pamansak (sayaw para sa kapayapaan) na itinatanghal sa mga kapistahan o natatanging okasyon matapos magsagawa ng ritwal. Karaniwang sinasabitan ng pera ang mga mananayaw bilang pasasalamat; (3) Pansak Pagkawin (sayaw ng pag-ibig) na sinasayaw ng mag-asawa matapos ang kanilang kasal; (4) Pansak Me’ Karendehan na itinatanghal ng kababaihan nakasuot pang-itaas na badju lapi atsawwal ilaupan ang pang-ibaba sa saliw ng musikang tanggunguh; (5) Pansak Si Batakan, isinasayaw ng babaeng nasa ibabaw ng dalawang kawayang nakapasan sa balikat ng dalawang lalaki. Nakasuot pang-itaas na badju lapi atsawwal ilaupan bilang pang-ibaba sa saliw ng musikang tanggunguh. Napatunayan din na ang nabanggit na tradisyonal na sayáw ng mga Yakan ay sumasalamin sa kanilang relihiyon at mga paniniwala bilang mga taong mapagmahal sa kalikasan at kapayapaan, at masisipag na magsasaka.

Araling Kultural

Araling Kultural tradisyonal na sayaw Yakans kasuotan sa pagsasayaw mandirigma Relihiyon