Gendered Voices in Philippine TV Commercials

Dequilla, Asuncion Christine V.

Gendered Voices in Philippine TV Commercials Dequilla, Asuncion Christine V.



Sumaklaw ang pag-aaral sa kasarian na pinagtibay sa diskurso ng patalastas sa telebisyon sa Pilipinas sa pamamagitan ng textual at content analysis sa mga salik na makro at maykro-estruktura. Tinukoy ang target audience (female, male, at mixed-gender) gayundin ang klasipikasyon sa mga salik-lingguwistiko mula sa transcript ng mga voiceover, diyalogong itinatalaga sa mga babae at lalaki, at ang mismong background text batay sa hanay ng TV commercials at video-recorded. Naipaliwanag kategorisasyon at balidasyong nakasalig sa mga obligatory element (headline, body, at slogan) na siyang bumuo sa macro-structure ng mga patalastas ng telebisyon sa Pilipinas. Sinuri ang pagbibigay imahen sa kasarian at Nalamang higit ang pamamayagpag ng male voiceover sa Philippine TV ad habang ang mga speaking lines ay itinatalaga sa kababaihan o lalaki batay sa preperensiya ng target audience.

Araling Kultural

Araling Kultural gendered voices TV commercials voice over target audience