Ang Prusisyon ng Mahal na Araw sa Diskurso ng Museong Walang Dingding: Pag-aangkin ng Espasyo at Kapangyarihan sa Marikina

Santos, Dino Carlo S.

Ang Prusisyon ng Mahal na Araw sa Diskurso ng Museong Walang Dingding: Pag-aangkin ng Espasyo at Kapangyarihan sa Marikina Santos, Dino Carlo S.



Nakaangkla ang saliksik sa pangunahing layunin na makabuluhang talakay sa sumusunod na saligang teorya: ang exhibitionary complex ni Tony Bennet. Tumalakay ito sa kakayahan ng museo na komontrol ng kaasalan o magpataw ng disiplina nang hindi namamalayan ng publiko tungo sa isang malawakang panlipunang kaayusan. Isa pang teorya ang Museum without Walls o Imaginary Museum ni Andre Malraux na nauukol sa malawakang koleksiyon ng mga likhang sining na kinakatawan ng ating imahinasyon na hindi mabibigyang representasyon at akomodasyon ng isang pisikal na museo dahil salát ito sa espasyo. Ang teoryang ecomuseum na nakatuon sa pagtataguyod ng identidad ng mga lokal na komunidad bunsod ng maigting na partisipasyon ng mga miyembro nito na naglalayong itanghal ang kanilang mga pamanang kultural. Bukod pa rito ang museolohiya o ang mahalagang papel ng museo sa lipunan sa paglipas ng kasaysayan. Natuklasan na sa pamamagitan ng mga teoryang nabanggit, nasuri ang mga idea at terminolohiya sa Prusisyon ng Mahal na Araw sa Marikina partikular ang ugnayan ng pag-angkin ng espasyo at kapangyarihan gayundin ang posibleng ambag nito upang mapalawak ang konsepto ng koleksiyon, preserbasyon, eksibisyon, o holistikong pangangalaga at pagpapayaman ng mga gawaing may kinalaman sa superbisyon ng museo.

Araling Kultural

Araling Kultural prusisyon Mahal na Araw sanligang teorya espasyo museo