Buhay, Kalusugan at Kamatayan: Isang Kasaysayan ng Cementerio General De La Loma, 1864-1889
Ramos, Chen V.
Buhay, Kalusugan at Kamatayan: Isang Kasaysayan ng Cementerio General De La Loma, 1864-1889 Ramos, Chen V.
Layunin ng saliksik na matalakay ang ugnayan, siklo, at pagpapakahulugan sa Cementerio General De La Loma noong panahon ng mga Español. Tinalakay ang naging kasaysayan ng nabanggit na himlayan para sa itinuturing na kulturang may kapakinabangan sa paniniwala nang panahon ng mga Español at ang kahulugan nito sa lipunang Filipino. Inilahad ang nagawang pagsusuri, ito ang sumusunod: una ang pagkakaugnay ng mga konsepto ng buhay, kalusugan, at kamatayan sa lipunan at kalinangang Filipino; ikalawa ang paghahayag ng mga ugnayang ito sa kasasayan ng naturang himlayan; at ikatlo ang pagkaunawa ng mga ugnayan sa kabuluhan ng sementeryo sa lipunan at kalinangang Filipino. Sa kabuoan, inirekomenda ang saliksik bilang panimulang hakbang sa pagpapayaman ng panitikan at kasaysayan ng sementeryo sa Maynila noong panahon ng mga Español at pag-aambag sa institusyonal na kasaysayan ng Cementerio General De La Loma na nakatulong sa kaayusan ng bayan, at ang pagbibigay ng pangmatagalang solusyon sa iba’t ibang suliranin sa kalusugan at kaligiran noong ika-19 na siglo. Bilang kongklusyon, ang malalim na pagpapahalaga ng mga Filipino sa buhay, kalusugan, at kamatayan ay nakapagbigay ng ganap na kalinawan ng kaisipang nakapaloob sa buong estruktura ng sementeryo.
Araling Kultural
Araling Kultural sementeryo; panahon ng Español kultura at lipunang Filipino