Dalumat ng Lalim ng Pagkataong Filipino sa mga Kuwentong Bayan na Isinakuwento at Isinadula para sa Bata Landicho, Edna Mae O.
Material type:
Aralin sa Pilipinas, Unibersidad ng Pilipinas Oktubre 2003
Layunin sa pag-aaral na matukoy ang pagkataong Filipino sa sampung (10) kuwento, isang (1) nobelang pambata, sampung (10) dulang pambata na tinitingnan bilang isang talinghaga at katotohanan. Ginamit sa pagsusuri ang pagkataong Filipino na may kaluluwa at budhi mula kay Dr. Prospero Covar at Pantayong Pananaw ni Dr. Zeus Salazar. Ipinakita sa pag-aaral Landicho ang lalim ng pagkatao ng Filipino mula sa dalumat ng maka (nagbibigay ng dimensiyong papaunlad at dinamiko): makalumikha, makakalikasan, makakapuwa, at makabayan—mga halagahang nagtataglay ng budhi at kaluluwa ng pagkataong Filipino. Tinukoy rin ang konsepto ng abot-malay, abot-dama, abot-kaya na siyang kaluluwa at budhi ng lalim ng pagkataong Filipino.
Panitikan
There are no comments on this title.