Tayong Lumalakad nang Matulin: Talambuhay at Kalipunan ng mga Tula Samar, Edgar C.
Material type:
Pamantasang Ateneo de Manila 2004
Ipinaliwanag sa saliksik ni Samar kung paanong ang manunulat lamang ang makabubuo ang kaniyang talambuhay sa pinakamatapat na paraan sapagkat may pagganap ito sa mga pangyayari, gaano man nabuo o kulang. Isinasagawa ito ni Samar sa pamamagitan ng pagbabalik sa kaniyang gunita upang sabáy na gawing buháy ang nakaraan at kasalukuyan. Sinuri ang kaniyang naratibo sa pamamagitan ng paggalugad sa personal na pagdanas bilang indibidwal—bilang bata, kapamilya, mag-aaral, mambabasa, at pagiging malikhain ng makata. Binigyang diin sa nabuong naratibo na ang sugat ay hindi imahen ng kahinaan o pagkawasak bagkus bukál ng paglikha a panitikan, kapuwa ng mga manunulat at ng mambabasa. Ibig din niyang makapag-ambag sa pagpapasigla sa pagkatha ng talambuhay at tulambuhay. Pinatunayan sa saliksik ni Samar ang epistolarisasyon ng diskurso ng pananakop gaya ng panghihimasok sa detalye ng buhay ng Sinasakop sa punto ng paglilinis ng katawan, pagdaramit, paglalakad sa lansangan, pagdalaw sa ibang tahanan, pakikipaglaro, pakikipag-usap, paraan ng pagsulat, pagdalo sa mga piging, pag-aasawa, pagkakaroon ng anak, pagluluksa, atbp.
Panitikan
There are no comments on this title.