Pagtitig at Paghulma sa Katawan ng Babae bilang Imahen ng Bayan: Isang Pagsusuring Kritikal sa Nobelang Sampaguitang Walang Bango ni Iñigo Ed Regalado Romero, Kristine V.

By: Material type: TextTextSubject(s): Dissertation note: Pamantasang Ateneo de Manila, Lungsod Quezon 2007 Summary: Layunin ng pag-aaral na mailahad ang kaugnayan ng panitikan sa kasaysayan sapagkat dito naitala ang mga detalye ng karanasan ng pananakop, paghihirap sa kamay ng mga dayuhan, pagsasakripisyo ng marami para sa kalayaan, reaksiyon ng mga manunulat sa nasaksihang karanasan ng pagkalupig ng kaniyang bayan, at pagtugon sa mga hámong kinakaharap sa pagbuo ng bayan. Napili ang nobelang Sampaguitang Walang Bango dahil binigyang pansin nito ang epekto ng kolonyalismo sa kulturang Filipino kasabay ng paghahanap ng identidad ng bayan. Partikular na Itinampok sa nobela ang babae bilang talinghagang nakakawing sa katangian ng “ina” at “bayan” gayundin ang pagbuo ng bayan at pagtataguyod ng nasyonalismo sa panahong Amerikano. Maliban sa pag-uugnay sa babae sa diskurso ng nasyonalismo, tinukoy din ang bisa ng paggamit ng babae bilang representasyon ng pakikibaka para sa pagpapalaya, paghahanap, o pagbuo ng bayan nang higit pa sa aspektong kultural. Sa kabuoan, binibigyan ng tunay na paglalarawan ang babaeng Filipina sa panahong saklaw ng pagkakasulat ng nobela at bilang tagaluwal ng mga kaisipang gigising sa natutulog na diwa at damdamin ng mga Filipino para sa pangangalaga ng mga kinagisnang pagkakakilanlan ng bayan.
Item type: Tesis
Star ratings
    Average rating: 0.0 (0 votes)
No physical items for this record

Pamantasang Ateneo de Manila, Lungsod Quezon 2007

Layunin ng pag-aaral na mailahad ang kaugnayan ng panitikan sa kasaysayan sapagkat dito naitala ang mga detalye ng karanasan ng pananakop, paghihirap sa kamay ng mga dayuhan, pagsasakripisyo ng marami para sa kalayaan, reaksiyon ng mga manunulat sa nasaksihang karanasan ng pagkalupig ng kaniyang bayan, at pagtugon sa mga hámong kinakaharap sa pagbuo ng bayan. Napili ang nobelang Sampaguitang Walang Bango dahil binigyang pansin nito ang epekto ng kolonyalismo sa kulturang Filipino kasabay ng paghahanap ng identidad ng bayan. Partikular na Itinampok sa nobela ang babae bilang talinghagang nakakawing sa katangian ng “ina” at “bayan” gayundin ang pagbuo ng bayan at pagtataguyod ng nasyonalismo sa panahong Amerikano. Maliban sa pag-uugnay sa babae sa diskurso ng nasyonalismo, tinukoy din ang bisa ng paggamit ng babae bilang representasyon ng pakikibaka para sa pagpapalaya, paghahanap, o pagbuo ng bayan nang higit pa sa aspektong kultural. Sa kabuoan, binibigyan ng tunay na paglalarawan ang babaeng Filipina sa panahong saklaw ng pagkakasulat ng nobela at bilang tagaluwal ng mga kaisipang gigising sa natutulog na diwa at damdamin ng mga Filipino para sa pangangalaga ng mga kinagisnang pagkakakilanlan ng bayan.

Panitikan

There are no comments on this title.

to post a comment.
Share