Paghahambing sa Ponolohiya at Morpolohiya ng mga Salita sa Filipino at Mëranao: Basehan ng Programang Pangwika sa Sangay ng Lanao Del Sur Cabila-Palawan, Miriam

By: Material type: TextTextSubject(s): Dissertation note: Manuel Luis Quezon University, Maynila 2007 Summary: Layunin ng pag-aaral na paghambingin ang ponolohiya at morpolohiya ng mga salita sa Filipino at Mëranao para sa higit na pagyamanin ang bokabularyo ng iba't ibang mga wika para sa intelektuwalisayon at istandardisasyon ng wikang Filipino. Makatutulong ito sa paghahanda ng sangguniang pangwika at basehan ng mga programang pangwika sa Kagawaran ng Edukasyon ng Sangay ng Lanao Del Sur. Ang mga profile o katangian ng 150 respondent na Mëranao na sumagot sa talatanungan ay umangkop sa pagiging propesyonal at pang-unawa sa ginawang pagsusuri at pagkakaiba ng mga salita sa Filipino at Mëranao. Natuklasang magkakatulad ang mga salita sa Filipino at Mëranao sa anyo/baybay ngunit nagkakasalungat sa kahulugan. Ang pagkakatulad ng kahulugan ay napatunayan sa pagkakaiba, pagpapalit at pagkakaltas ng isa o higit na ponema sa mga salitang Mëranao. Ang mga naitalang salita sa Filipino at Mëranao ay hindi nagbago ang kahulugan at maging sa gamit ng bahagi ng pananalita tulad ng pangngalan, pang-uri at pandiwa. Hinggil sa pagbabago ng kahulugan ng mga salita sa Filipino at Mëranao ay napatunayan kapag binanghay ito ayon sa gamit ng mga panlapi. Nangangahulugan ito na sa Filipino na nagpapahayag ng mga kilos na natapos, nasimulan at gagawin pa lamang. Magsisilbing patnubay ang pag-aaral sa implementasyon ng pagbabago ng mga kurikulum sa Kagawaran ng Edukasyon. Magiging batayan din ito ng mga pagsusuri ng leksikong Filipino at reperensiya sa paghahambing ng ibang mga wika sa Pilipinas. Inirekomendang palawakin ang pag-aaral na ito hinggil sa paghahambing ng umiiral na wikain sa Muslim Mindanao na tumatalakay sa ponolohiya at morpolohiya tulad ng Tausug at Maguindanaon. Dapat magkaroon ng pagsasanay/oryentasyon ang mga gurong nagtuturo ng Filipino sa paghahanda ng sanggunian na may kaugnayan sa bokabularyo ng wika at maisama ito sa mga kagamitang pampagtuturo.
Item type: Disertasyon
Star ratings
    Average rating: 0.0 (0 votes)
No physical items for this record

Manuel Luis Quezon University, Maynila 2007

Layunin ng pag-aaral na paghambingin ang ponolohiya at morpolohiya ng mga salita sa Filipino at Mëranao para sa higit na pagyamanin ang bokabularyo ng iba't ibang mga wika para sa intelektuwalisayon at istandardisasyon ng wikang Filipino. Makatutulong ito sa paghahanda ng sangguniang pangwika at basehan ng mga programang pangwika sa Kagawaran ng Edukasyon ng Sangay ng Lanao Del Sur. Ang mga profile o katangian ng 150 respondent na Mëranao na sumagot sa talatanungan ay umangkop sa pagiging propesyonal at pang-unawa sa ginawang pagsusuri at pagkakaiba ng mga salita sa Filipino at Mëranao. Natuklasang magkakatulad ang mga salita sa Filipino at Mëranao sa anyo/baybay ngunit nagkakasalungat sa kahulugan. Ang pagkakatulad ng kahulugan ay napatunayan sa pagkakaiba, pagpapalit at pagkakaltas ng isa o higit na ponema sa mga salitang Mëranao. Ang mga naitalang salita sa Filipino at Mëranao ay hindi nagbago ang kahulugan at maging sa gamit ng bahagi ng pananalita tulad ng pangngalan, pang-uri at pandiwa. Hinggil sa pagbabago ng kahulugan ng mga salita sa Filipino at Mëranao ay napatunayan kapag binanghay ito ayon sa gamit ng mga panlapi. Nangangahulugan ito na sa Filipino na nagpapahayag ng mga kilos na natapos, nasimulan at gagawin pa lamang. Magsisilbing patnubay ang pag-aaral sa implementasyon ng pagbabago ng mga kurikulum sa Kagawaran ng Edukasyon. Magiging batayan din ito ng mga pagsusuri ng leksikong Filipino at reperensiya sa paghahambing ng ibang mga wika sa Pilipinas. Inirekomendang palawakin ang pag-aaral na ito hinggil sa paghahambing ng umiiral na wikain sa Muslim Mindanao na tumatalakay sa ponolohiya at morpolohiya tulad ng Tausug at Maguindanaon. Dapat magkaroon ng pagsasanay/oryentasyon ang mga gurong nagtuturo ng Filipino sa paghahanda ng sanggunian na may kaugnayan sa bokabularyo ng wika at maisama ito sa mga kagamitang pampagtuturo.

Lingguwistika

There are no comments on this title.

to post a comment.
Share