“Paglinang ng Kasanayan sa Pagsulat ng mga Mag-aaral sa Ikatlo at Ikaapat na Antas ng Hayskulˮ Josue, Ana Maria L.
Material type:
Pamantasang Normal ng Pilipinas, 2012) 2012
Pangunahing layunin ng pag-aaral na makapaghanda ng mga gawaing lilinang sa kasanayan sa pagsulat ng komposisyon ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng iba’t ibang awtentikong kagamitan. Isa itong deskriptibong pag-aaral na sumasaklaw sa walong seksiyon ng mga mag-aaral sa Antas Walo na isinagawa sa pamamagitan ng pag-alam sa saloobin gayundin ang pangunahing suliraning kinakaharap ng mga ito sa pagsulat ng komposisyon. Nagsilbing patnubay ni Josue ang proseso sa pagsulat na itinaguyod nina Hayes (1981); Grabe at Kaplan (1996); Philippine Secondary School Learning Competency (2002); Basic Education Curriculum (2002); at Refined Basic Education Curriculum (2008). Napatunayang nalinang nang husto ang mga kasanayan sa pagsulat sa tulong ng mga epektibong teknik at paglalapat ng mga angkop na gawain. Madaling makuha ang kawilihan ng mga mag-aaral gamit ang mga lunsarang nagbibigay ng palaisipan. Nakadagdag sa idea ng mga mag-aaral ang paggamit ng mga modelong naglalaman ng paksang katulad din ng komposisyong kanilang susulatin. Malaking tulong ang pang-akit o pangganyak na gawain upang mailabas ang natatagong idea ng mag-aaral. Kusang lumalabas angpagkamalikhain at nagiging magaan ang pagsulat kung may mga tiyak na modelo o lunsaran kaugnay ng paksang kanilang susulatin. Nababawasan ang hírap at pagkabagot ng mag-aaral kung ihahain ito sa mag-aaral sa paraang kawili-wili.
Lingguwistika
There are no comments on this title.