Mga Suliranin sa Pagtuturo ng Filipino sa Intermedya Seludo, Florcefina L.
Material type:
Pamantasan ng Pilipinas Nobyembre 1966
Tinalakay ang mga pangunahing suliranin na kinakaharap ng mga guro sa Filipino sa antas intermedya sa Lungsod Maynila sa pamamagitan ng pag-alam sa kanilang katangiang pang-edukasyon, pamamaraan ng pagtuturo, at sangguniang ginagamit sa pagtuturo. Natuklasan sa saliksik na ang paniniwala tungkol sa asignaturang Filipino na madaling ituro at hindi nararapat pag-ukulan ng panahon. Ang kawalang-malasakit ng mga magulang sa asignaturang Filipino at limitadong panahon na iniuukol upang matalakay ang lahat ng aralin. Ang pagkakaroon ng malaking bilang ng mga mag-aaral sa bawat klase at hindi sapat o kakulangan sa mga babasahin para sa paggamit ng mga katawagan sa Filipino sa mga salitang pang-agham at teknikal. Ang kawalan ng sapat na kagamitan para sa mga timpalak-bigkasan, dula, pagtatanghal, atbp. Hindi sapat ang kaalaman ng mga guro sa pagtuturo ng balarila maging sa pangalawang wika at ang katamaran ng mga mag-aaral na pag-aralan ang Filipino. Iminungkahi sa pag-aaral na kailangang pukawin ang damdaming makabayan sa hanay ng mga pinuno ng paaralan at kaguruan. Linangin ang wastong saloobin ng mga magulang tungkol sa Filipino sa pamamagitan ng pag-anyaya sa mga itong magmasid sa mga talakayan at pagtatanghal sa Filipino. Limitahan ang bilang ng mga mag-aaral sa bawat klase mulang 35–40 upang mapag-ukulan ang mga ito ng sapat na oras ng guro at dagdagan ang pondo para sa produksiyon ng kagamitang panturo sa Filipino upang may magamit ang mga mag-aaral sa pagpapahusay ng kanilang kasanayang pangwika.
Edukasyon
There are no comments on this title.