Mga Mabisang Istratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan sa mga Mag-Aaral sa Kolehiyo Lucas, Rhea David
Material type:
Bulacan State University Mayo 2008
Saklaw ng pag-aaral na ito ang tatlong pamantasan sa Pampanga, ang Holy Angel Universty, University of the Assumption at Angeles University Foundation, na may asignaturang Panitikang Filipino sa ikalawang semester. May kabuuang isandaan at limampu (150) mag-aaral sa kolehiyo ang mga naging respondent sa pag-aaral ni Lucas. Ang pinagbatayan sa pag-aaral ay ang paraang paglalarawan o Descriptive Method, paraang kwantiteytiv o ang tinatawag na Qualitative Research Method naginamit sa mga sarvey, datos na may kaugnayan sa mga baryabol na tawag ay probability sampling. Ginamit din ang F-Test o Oneway ANOVA sa pagtukoy sa mahalagang pagkakaiba o significant difference sa mga estratehiya ayon sa pananaw ng mga mag-aaral sa tatlong kurso. Natuklasan sa pag-aaral na ang mabisang estratehiya sa pagtuturo ng panitikan sa tatlong kurso ay sapat na pagkatuto at palagiang pagtalakay sa mga aral o moral lessons na makikita sa binasang akda. Ang paggamit ng story telling sa pagtuturo ng mga akda gaya ng maikling kuwento, nobela, ang pagtukoy sa tema ng akdang binasa at pagpapaliwanag sa kaugnayan ng pamagat sa akdang tinalakay. Kasama rin ang estratehiya ang nakasanayang tanungang-sagot hinggil sa isang paksa at ang pagsasagawa ng pangkatang gawain tulad ng panel o group discussion. Ang naging kongklusyon sa tatlong kurso na mahusay na sinang-ayunan ay ang estratehiyang moralistiko sa binasang akda ang lumitaw na pinakamabisa na may sapat na pagkatuto sa mga mag-aaral ng panitikan. Ang pangalawang estratehiya ay ang paggamit ng story telling sa pagtuturo ng mga akdang pampanitikan. Ang hindi gaanong mabisa o katamtaman lang ang pagkatuto ng mga mag-aaral ng panitikan sa tatlong kursong ay ang kakulangan ng mga guro sa mga kagamitang awdyo-biswal bilang pantulong sa pagtalakay sa mga akda. Ang rekomendasyon nito ay pag-ibayuhin pa ng mga guro sa pagtuturo ng panitikan sa klase anumang genre ng panitikan, dahil isa ito sa mga paraan sapat na kaalaman ng mga mag-aaral. Tiyakin din ang pagkakaron ng kawilihan sa pagkukuwento upang mapalawak ang kanilang pagkaunawa at imahinasyon sa pag-aaral ng panitikan. Ang pagkakaroon ng aktibong partisipasyon ng mga mag-aaral sa tanong-sagot, maaaring sa pangkatang gawain upang mabigyan sila ng pagkakataon na maibahagi ang kanilang mga kaalaman at kakayahan sa isa’t isa. Imungkahi ang pagkakaroon ng sapat na kagamitang awdyo-biswal sa pagsasagawa ng mga gawain para sa mabilis na pagkatuto sa panitikan.
Edukasyon
There are no comments on this title.