Bisa ng Pamamaraang Kompetitibong Tulong-Tulong na Pagkatuto sa mga Mag-Aaral ng Tech-Voc sa Asignaturang Filipino Hernandez, Jaynard Junio

By: Material type: TextTextSubject(s): Dissertation note: Pamantasan ng Luzon, Lungsod Dagupan Setyembre 2019 Summary: Nakatuon ang pag-aaral sa pagsubok at pagsusuri sa bisa ng pamamaraang Kompetitibong Tulong-tulong na Pagkatuto (CDCL) salungat sa pamamaraang Lektura-Diskusyon (LD) sa prosesong pagtuturo-pagkatuto sa asignaturang Filipino sa Piling Larang ng Tech-Voc sa dalawang kompetensing pampagkatuto, sa apat na piling anyo ng sulating teknikal-bokasyonal na itinuro sa mag-aaral ng Baitang 11 sa Senior High School (SHS), sa Moises B. Rebamontan National High School (MBRNHS). Ang disenyong nonequivalent control group pretest-post test design na isang uri ng quasi-experimental design ang naging pamamaraan ni Hernandez. Dahil ang mga kalahok sa pag-aaral ay mula sa magkaibang espesyalisasyon sa track na teknikal-bokasyonal na pinangkat mula sa kani-kanilang seksiyong kinabibilangan. Ang Kompetitibong Tulong-tulong na Pagkatuto o Competition-Driven Cooperative Learning (CDCL) ay isang bagong-lunsad na pamamaraan sa pagtuturo-pagkatuto para sa paglinang nang ganap na pagkatuto ng kaalaman at kasanayan sa bawat tampok na aralin sa klasrum. Ipinaliwanag ni Hernandez ang resulta ng isinagawang pag-aaral. Una, magkasimbisa lámang pagdating sa pagpapaunlad ng kabatiran, kaalaman, at kasanayan ng mga mag-aaral ang bagong-disenyong pamamaraang Kompetitibong Tulong-tulong na Pagkatuto (CDCL) na isinakatuparan ng walong araw o labindalawang oras na serye ng mga pakitang-turo at ang tradisyonal na pamamaraang Lektura-Diskusyon (LD) na matagal nang gamit ng mga guro at lubhang nakasanayan na ito ng mga mag-aaral. Pangalawa, hindi naging makabuluhan ang pagkakaiba ng CDCL at LD sa prosesong pagtuturo-pagkatuto, ngunit hindi ito nangangahulugang na tuluyan o papalitan ng makabagong pamamaraan ang tradisyonal, nagpapahiwatig na ang resulta ng pagkakaroon ng balanse sa paggamit nito sa klase upang kakitaan ng baryasyon ang mga pamamaraang gamit sa pagtuturo. At ang pangatlo naging mabisa ang na pagtatapat sa isang eksperimentasyon ang tradisyonal at modernong pamamaraan sa prosesong pagtuturo-pagkatuto sapagkat napatunayan ang kalakasan at kahinaan ng mga ito. Mula sa resulta ng kaniyang pag-aaral, iminungkahi ni Hernandez na maaaring gamitin at pagpilian ng mga guro ang iba’t ibang prosesong pagtuturo-pagkatuto upang higit na malinangang mga kaalaman, at kasanayan lalo na sa mga mag-aaral na may kompetisyon sa kanilang espesyalisasyong teknikal-bokasyonal.
Item type: For Identification List(s) this item appears in: Itemtype - for identification
Star ratings
    Average rating: 0.0 (0 votes)
No physical items for this record

Pamantasan ng Luzon, Lungsod Dagupan Setyembre 2019

Nakatuon ang pag-aaral sa pagsubok at pagsusuri sa bisa ng pamamaraang Kompetitibong Tulong-tulong na Pagkatuto (CDCL) salungat sa pamamaraang Lektura-Diskusyon (LD) sa prosesong pagtuturo-pagkatuto sa asignaturang Filipino sa Piling Larang ng Tech-Voc sa dalawang kompetensing pampagkatuto, sa apat na piling anyo ng sulating teknikal-bokasyonal na itinuro sa mag-aaral ng Baitang 11 sa Senior High School (SHS), sa Moises B. Rebamontan National High School (MBRNHS). Ang disenyong nonequivalent control group pretest-post test design na isang uri ng quasi-experimental design ang naging pamamaraan ni Hernandez. Dahil ang mga kalahok sa pag-aaral ay mula sa magkaibang espesyalisasyon sa track na teknikal-bokasyonal na pinangkat mula sa kani-kanilang seksiyong kinabibilangan. Ang Kompetitibong Tulong-tulong na Pagkatuto o Competition-Driven Cooperative Learning (CDCL) ay isang bagong-lunsad na pamamaraan sa pagtuturo-pagkatuto para sa paglinang nang ganap na pagkatuto ng kaalaman at kasanayan sa bawat tampok na aralin sa klasrum. Ipinaliwanag ni Hernandez ang resulta ng isinagawang pag-aaral. Una, magkasimbisa lámang pagdating sa pagpapaunlad ng kabatiran, kaalaman, at kasanayan ng mga mag-aaral ang bagong-disenyong pamamaraang Kompetitibong Tulong-tulong na Pagkatuto (CDCL) na isinakatuparan ng walong araw o labindalawang oras na serye ng mga pakitang-turo at ang tradisyonal na pamamaraang Lektura-Diskusyon (LD) na matagal nang gamit ng mga guro at lubhang nakasanayan na ito ng mga mag-aaral. Pangalawa, hindi naging makabuluhan ang pagkakaiba ng CDCL at LD sa prosesong pagtuturo-pagkatuto, ngunit hindi ito nangangahulugang na tuluyan o papalitan ng makabagong pamamaraan ang tradisyonal, nagpapahiwatig na ang resulta ng pagkakaroon ng balanse sa paggamit nito sa klase upang kakitaan ng baryasyon ang mga pamamaraang gamit sa pagtuturo. At ang pangatlo naging mabisa ang na pagtatapat sa isang eksperimentasyon ang tradisyonal at modernong pamamaraan sa prosesong pagtuturo-pagkatuto sapagkat napatunayan ang kalakasan at kahinaan ng mga ito. Mula sa resulta ng kaniyang pag-aaral, iminungkahi ni Hernandez na maaaring gamitin at pagpilian ng mga guro ang iba’t ibang prosesong pagtuturo-pagkatuto upang higit na malinangang mga kaalaman, at kasanayan lalo na sa mga mag-aaral na may kompetisyon sa kanilang espesyalisasyong teknikal-bokasyonal.

Edukasyon

There are no comments on this title.

to post a comment.
Share