Kasaysayang Pasalita: Ang Kulturang Filipino at Karanasan ng mga Filipinong Mananaliksik sa Larangang Pasalita Gabriel-Kimuell, Nancy
Material type:
Pamantasang De La Sale 2000
Dokumentasyon ito ng karanasan ng mga Filipinong mananaliksik na nagsagawa o gumamit ng metodo ng kasaysayang pasalita (KP). Ibinabahagi ng pag-aaral ang mga naranasang kultura ng mga Filipino sa proseso ng pakikisalamuha at pakikipanayaman ng mga Filipinong oral historian kasabay ng pagsesentro ng mga suliranin at kahirapan ng mga Filipinong historyador sa metodong ito. Pinalawak ng pag-aaral ang mga literatura tungkol sa metodolohiya ng kasaysayang pasalita na nakabatay mismo sa karanasan ng mga Filipino. Ang mga natuklasang kultura sa pag-aaral ay napakahalaga sa mga Filipino tulad ng tiwala at pakikipagkapuwa at kailangan ng pamamaraan ng pagkapa, pagmamasid at pakiramdam, pagkuha pagkamatapat, ang malayang pagpapahayag ng saloobin at ang pakikipalagayang-loob. Natalakay din ang maselang paksa tungkol sa sex at kasarian. Ipinahayag dingkailangang marunong ng wikang Filipino at/o Tagalog upang magkaroon ng kababayan/kadua/kabalen/kabanua sa panayam; may gawing nagpaparinig, nangangantiyaw, nagbibigay-konsuwelo, at pasalubong. Dagdag pa ang mga ginawa na may nagpapakain, nagpapainom ng malamig, nagpapabaon, at nagpapahatid ang mga maykaya. Nabanggit na may kulturang “amuyong,” usisero, at kuyog ang mga maralita. Masasabi ring mapagbigay at mapagtiwala ng mga Filipino nang hindi nakasalalay sa pirma o nakasulat na dokumento.
Araling Kultural
There are no comments on this title.