Ang Liminalidad, Bisa at Aliw sa Pagtatanghal ng Salubong ng Aglipayanong Kongregasyon sa Paliparan, Sto. Niño, Lungsod Marikina Diccion, Ariel A.

By: Material type: TextTextSubject(s): Dissertation note: Pamantasang Ateneo de Manila, Paaralan ng Humanidades, Lungsod Qezon 2011 Summary: Layunin ng pag-aaral na mailarawan ang ilang bahagi ng pagsasagawa ng Salubong sa Paliparan, Marikina bilang isang performance o pagtatanghal sa pagtukoy ng iba’t ibang elemento nito. Nailahad ang deskripsiyon ng iba’t ibang espasyo sa labas ng simbahan na mahalaga sa pagsasagawa ng Salubong. Naipakilala ang ilang personalidad at ang papel na ginagampanan nila sa pagdaraos nito. Nabigyan din ng pagsusuri ang liminalidad ng mga espasyong nailarawang kabilang sa pagsasagawa ng Salubong ng Kongregasyon ng mga Aglipayano sa Paliparan. Kabilang din sa nasuri ang pagtatalaban ng efficacy o bisa at entertainment o aliw sa paghahanda at pagdaraos ng pagtatanghal ng Salubong. Natalakay ang papel ng Salubong bilang artikulasyon ng pagtuklas at pagbuo ng dinamikong identidad ng kongregasyon ng mga Aglipayano sa Paliparan, Marikina. Napagtibay ang kakayahan ng pagtatanghal, gaya ng Salubong, bilang lunan ng signipikasyon ng dinamikong identidad sa kontemporanyong panahon.
Item type: Tesis
Star ratings
    Average rating: 0.0 (0 votes)
No physical items for this record

Pamantasang Ateneo de Manila, Paaralan ng Humanidades, Lungsod Qezon 2011

Layunin ng pag-aaral na mailarawan ang ilang bahagi ng pagsasagawa ng Salubong sa Paliparan, Marikina bilang isang performance o pagtatanghal sa pagtukoy ng iba’t ibang elemento nito. Nailahad ang deskripsiyon ng iba’t ibang espasyo sa labas ng simbahan na mahalaga sa pagsasagawa ng Salubong. Naipakilala ang ilang personalidad at ang papel na ginagampanan nila sa pagdaraos nito. Nabigyan din ng pagsusuri ang liminalidad ng mga espasyong nailarawang kabilang sa pagsasagawa ng Salubong ng Kongregasyon ng mga Aglipayano sa Paliparan. Kabilang din sa nasuri ang pagtatalaban ng efficacy o bisa at entertainment o aliw sa paghahanda at pagdaraos ng pagtatanghal ng Salubong. Natalakay ang papel ng Salubong bilang artikulasyon ng pagtuklas at pagbuo ng dinamikong identidad ng kongregasyon ng mga Aglipayano sa Paliparan, Marikina. Napagtibay ang kakayahan ng pagtatanghal, gaya ng Salubong, bilang lunan ng signipikasyon ng dinamikong identidad sa kontemporanyong panahon.

Araling Kultural

There are no comments on this title.

to post a comment.
Share