Pagkakamag-Anak at Pulitika sa isang Pamayanang Ita sa Tayabas, Quezon Aldovino, Rolan B.
Material type:
Masterado, Department of Anthropology, Unibersidad ng Pilipinas, Lungsod Quezon Abril 2011
Tumutukoy sa pagkakamag-anak at pulitika sa isang pamayanang Ita sa Tayabas, Quezon. Binigyang-diin ang mga relasyong pampolitika ng mga Ita kaugnay ng kanilang pagkakamag-anak, kasama ang kanilang mga konsepto ng mga ritwal, paniniwala at tradisyon, at ang pagkakabuo ng balangkas nito. Ang politika sa pag-aaral ay sumasaklaw sa anumang relasyong pangkapangyarihan may kaugnayan sa impluwensya – ang kakayahang mapagpabago o maapektuhan ang kilos, kaisipan at pagpapasya ng iba ayon sa sariling kagustuhan at kasama na ang balangkas ng organisasyong panlipunan. Natuklasan sa pag-aaral na ang mga kaisipan mula sa mga teorya ng pagbabalangkas, kasanayan, ahensiya at puhunan o kapital. Ang mga kasapi ng lipunan ay umaangkop batay sa mga nasabing anyo o bahagi ng lipunan tulad ng pagkakamag-anak at politika. Mula sa pagkilos ng mga kasapi ng lipunan ay ang pagtugon sa mga kaganapan sa kanilang paligid gamit ang mga natipon nilang puhunan, alinman sa puhunang panlipunan, pang-ekonomiya, pangkalinangan. Ito ang kanilang sandigan para sa pagpapatuloy o pagpapanatili ng mga sistemang kanilang binuo para sa kanilang kapakinabangan. Kasunod rin nito, inilarawan ang mga palasak na ugnayang pampulitika na kinasasangkutan ng mga Ita kabilang na ang kanilang mga pakikipag-ugnayang panloob at panlabas. Tinukoy ang mga pagsasalimbayan ng mga aspetong pampulitika at pagkakamag-anak mula sa kanilang mga pakikitungo at pakikipag-ugnayan sa pamayanan at maging sa iba kaugnay na institusyon. Tinukoy rin ang maraming pagbabago at pag-angkop ng pamayanang Ita bilang isang aktibong tagapagpadaloy at tagapagpakilos. Ang mga pagtugon na ito ng pamayanan ang humubog sa mga balangkas at institusyong panlipunang kanilang ginagamit, pangunahin sa pagkakamag-anak at sistemang pampulitika. Naging mahalaga ito sa higit na pang-unawa sa mga marginal na pamayanan na maaaring makatulong sa pagbuo ng higit na maayos na pakikipag-ugnayan ng iba pang pamayanan. Maaari rin maging saligan ito ng iba pang pag-aaral ukol sa mga relasyong panlipunan at ang kahalagahan nito sa kanilang pamumuhay.
Araling Kultural
There are no comments on this title.