Sabutan sa mga Bayan ng Baler at San Luis sa Lalawigan ng Aurora: Isang Paghahabi ng Sining at Kasaysayan Palispis, Eric Christian S.
Material type:
Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon 2012
Tinalakay sa saliksik ang kalahatang layuning maitanghal ang lawak ng pag-uswag ng kalinangang-bayan hatid ng sining ng pagsasabutan o paglalala na isang minana at patuloy na ipinamamanang tradisyon ng mga taga-Baler at San Luis sa Lalawigan ng Aurora. Ipinakita dito ang debelopment ng paglalala mula karaniwang gawaing pambabae sa mga tahanan na nagsisilbing indikasyon sa kasalukuyanang masiglang búhay kultural at ekonomiko. Sa katunayan, isa sa nagpalakas sa turismo ng lugar ang pagdiriwang sa bayan ng Baler ng Sabutan Festival tuwing 13–19 Agosto bawat taon. Tinukoy rin sa pag-aaral ang pangunahing kagamitan na karaniwang mula sa halamang pandán (Pandanus sabotan Blanco oPandanus tectorius Parkinson ex Du Roi) at ang masining na manipulasyon dito ng mga mamamayan ng dalawang bayan upang makagawa ng makukulay na banig, sombero, bag, tsinelas, mantel, kasuotan, dekorasyon atbp., gayundin ang matagumpay na pagsasalin ng kasanayang ito sa mga henerasyon.
Araling Kultural
There are no comments on this title.