Koha home

TAMPOK NA AKLAT

Tampok mula sa Aklatang Balmaseda.

1 / 6

NEWLY PROCESSED MATERIALS - RECENTLY SCANNED:


Loading...
Loading...

❝𝐁𝐮𝐤á𝐬 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐮𝐥𝐢 𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐤𝐥𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐥𝐦𝐚𝐬𝐞𝐝𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐮𝐛𝐥𝐢𝐤𝐨!❞

Ang Aklatang Balmaseda ay isang espesyal na aklatan na tumutugon sa mandato ng KWF hinggil sa patuluyang pagpapaunlad, pagpapayaman, pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at iba pang mga wika ng Pilipinas. Nangangalaga itó ng mga aklat pangwika, pangkultura, pampanitikan, at iba pang mahalagang koleksiyong Filipiniana. Ipinangalan itó sa dating direktor ng Institute of National Language (INL) na ngayon ay Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) mulang 1938 hanggang 1947 na si Julian Cruz Balmaseda, bílang pagkilala at pagtanaw sa kaniyang mga nagawa at naiambag sa larang ng Filipino.
Itó ay may mahigit 5000 printed koleksiyon, kasama rito ang Koleksiyong Balmaseda, Koleksiyong Villanueva, Aklat ng Bayan, mga sanggunian, at iba pa. Maaari ding maakses ang mahigit 700 e-books onlayn.

Matatagpuan itó sa BFB Building, 1575 JP Laurel St., Cor. Matienza, Brgy. 640, Malacañang Complex, San Miguel, 1005 Manila. Maaaring bumisita at manaliksik mulang Lunes–Biyernes, 8:00 nu – 5:00 nh.

Para sa iba pang katanungan, makipag-ugnayan sa library@kwf.gov.ph.

Login form

Log in to your account: